Friday , November 15 2024

Tag-ulan idineklara

OPISYAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tag-ulan.

Kinompirma ito ni PAGASA administrator Dr. Vicente Malano nitong Lunes, ayon kay state weather forecaster Benison Estareja.

“Asahan po for the coming days na magkaroon ng pag-ulan sa western section ng Luzon gaya sa Ilocos Region, Bataan even Metro Manila po maaaring magkaroon nang mas malakas na pag-ulan.”

Bagama’t wala pang itinaas na gale warning sa mga karagatan, magiging maalon sa West Philippine Sea dulot ng epekto ng Tropical Storm Kujira.

Gayonman, tiniyak ni Estareja na walang low pressure area (LPA) na nagbabadyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ngayong Martes, magiging maulap na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Western at Central Visayas, buong Mindanao, Zambales, Bataan, Mindoro at Palawan dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ).

Habang magiging maulap na may pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

16 bagyo sa PH hanggang disyembre

NAGBABALA ang Pagasa na hanggang 16 bagyo ang hahagupit sa Filipinas sa nalalabing mga buwan ng taon 2015.

Kahapon ay pormal nang idineklara ng Pagasa ang pagpasok ng tag-ulan makaraan ang epekto ng tag-init at maraming mga lugar ang nagdeklara ng state of calamity.

Ayon Dr. Vicente Malano, officer-in-charge of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, inaasahan ang matinding mga pag-ulan sa susunod na tatlong buwan.

Habang ngayong nalalabing araw ng Hunyo ay inaasahan aniya ang isa hanggang sa dalawang bagyo ang papasok sa bansa, tatlo hanggang sa limang bagyo sa Hulyo.

Inaasahan aniya ang dalawa hanggang sa apat na bagyo sa Agusto at Setyembre, dalawa hanggang tatlong bagyo sa Oktubre, isa hanggang sa dalawang bagyo sa Nobyembre at maaaring isa na lamang sa Disyembre.

Ang epekto aniya ng El Niño sa Oktubre hanggang sa unang quarter ng taon 2016 ay maaaring makapagpalakas ng buhos ng ulan sa naturang panahon.

Bagamat maaari pa rin aniyang mabuo ang malalakas na bagyo sa panahon ng El Niño.

Flood interceptor sa Blumentritt sa 2016 pa matatapos

SA 2016 pa inaasahang matatapos ang flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Blumentritt sa Maynila.

“Ang target namin eh hindi ngayong taon pero in time for the next rainy season, mga May or June (2016),” banggit ni DPWH Sec. Rogelio Singson.

Paliwanag niya, kailangan pang ayusin ng kanilang kagawaran ang proyekto dahil nagkataong naglalatag din ng tubo rito ang Maynilad.

“Gaya nung ginagawa natin sa Blumentritt, 3.3-kilometers (km.) ‘yun eh hindi naman maasahan na matapos ‘yun ng isang taon talaga tapos nadagdagan pa, may nag-untugan pa kami ng tubo ng Maynilad. ‘Pag pinutol namin at pinuwersa ‘yun, kalahati siguro ng maynilad concession ang walang tubig.”

Pagtapos ng proyekto sa Blumentritt ay mabilis nang huhupa ang baha dahil didiretso na ang bahang galing pa sa Quezon City sa Estero Sunog Apog sa Maynila.

Sa ngayon, naglagay na sila ng pansamantalang by-pass para mailipat ang naiimbak na tubig at hindi tumaas ang baha.

Isinisi ni Singson sa mga basura na bumabara sa daluyan ng tubig ang mataas na pagbaha sa ilang bahagi ng Kamaynilaan kapag may malakas na buhos ng ulan.

“Kung wala sanang basura, imbes na basura ang mahahagip [ng pumping stations] ay tubig na so bibilis lalo ang paghupa ng baha.”

P3-B EDSA Rehab Project isinantabi  ng DPWH

ISINANTABI muna ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P3 bilyong rehabilitation project sa EDSA.

Inamin ni DPWH Sec. Rogelio Singson, “palagay ko wala na kami sa panahon o kulang na sa panahon para tapusin ‘yung buong stretch.”

Kinompirma rin ni DPWH NCR Dir. Reynaldo Tagudando na nagkausap hinggil dito sina Singson at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Francis Tolentino nitong Lunes.

Gayonman, binanggit ng kalihim na tuloy-tuloy ang road reblocking nila sa ilang bahagi ng Kamaynilaan partikular na sa Quezon City ngunit kailangan itong tutukan lalo’t tag-ulan na.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *