Saturday , December 21 2024

Suspensiyon pa vs Mayor Binay inirekomenda

INIREKOMENDA ng field investigators ng Office of the Ombudsman na suspendehin muli sina Makati Mayor Erwin “Junjun” Binay at 14 pang opisyal ng Makati City Hall.

Kaugnay ito sa paunang ebidensya na sinasabing pinaboran ang contractor na Hilmarc’s Corporation sa pagpapatayo ng Makati Science High School.

Batay sa 26-pahinang dokumento, sinasabing posibleng may dayaan din sa bidding.

Inirerekomenda ang anim buwan suspensyon para sa mga opisyal para hindi makapag-impluwensya sa preliminary investigation.

Kasama sa rekomendasyong maimbestigahan ang ama niyang si Vice President Jejomar Binay na siyang alkalde ng siyudad noong umpisang ipatayo ang eskwelahan.

Gayonman, hindi pa malaman kung inaprubahan na ito ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Sakaling aprubahan, ito na ang ikalawang beses na sususpendihin sina Mayor Binay at city hall officials sa magkakaibang kaso ng katiwalian.

Una na silang sinuspinde kaugnay sa maanomalyang Makati City Hall parking building ngunit hinarang ito ng temporary restraining order (TRO) ng Court of Appeals (CA) na ngayo’y tinatalakay pa sa Korte Suprema.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *