Sunday , December 22 2024

Political dynasty nagpabagal sa kaunlaran ng bansa — Alunan

IkinadEsmaya ni dating Department of Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III ang kabiguan ng Kongreso na maipasa sa ikalawang pagbasa ang Anti-Dynasty Bill dahil sa paniniwalang higit pang babagal ang pag-unlad ng bansa kung mananatiling walang kumokontrol sa dinastiya ng mga pamilyang politiko.

“Ang dynasty kasi natin ay extension ng ating feudalistic practices. At ang feudalismo ay nag-setback ng ating growth from the past 50 or 60 years from the time that we gained independence,” paliwanag ni Alunan sa panayam ng Bombo Radyo La Union kamakailan.

Naniniwala ang dating DILG Secretary na dapat lamang pahalagahan ng bawat mamamayang Filipino ang demokrasya na matagal din nating ipinaglaban.

“Ang kailangan natin ay pagtibayin ang ating demokrasya at ang unang-unang dapat iwasan natin ay iyong problema ng feudalismo na nagbibigay ng buhay dito sa mga political dynasty,” diin ni Alunan.

Gayonman, ipinaliwa-nag ni Alunan na nagkakaroon lamang ng masamang kulay ang dynasty ng isang political family kung ipinaiiral ang makasariling paghahangad.

“It’s not that all political dynasties are bad. There are some families who are really serving the public. But in general, most political dynasties are there to serve themselves not the public,”  dagdag ni Alunan.    

Noong Hunyo 10, nabigo ang Kamara na isabatas ang Anti-Dynasty Bill dahil sa pagkontra ng mga mambabatas sa naunang panukala na dalawa lamang miyembro ng isang political family ang maaaring umokupa ng posisyon at pagbabawalan nang tumakbo sa lokal o nasyonal na halalalan ang kanilang mga kamag-anak.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *