Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbili nina Toni at Paul sa fastfood chain, bakit ginagawang big deal?

 

HATAWAN – Ed de Leon . 

061615 Toni Gonzaga Paul Soriano

BAKIT nga ba ginagawang issue hanggang ngayon ang pagdaraan nina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa isang fastfood chain pagkatapos ng kanilang wedding reception? Bakit pinapansin pati ang katotohanang naka-wedding gown pa si Toni nang magpunta sa fastfood chain?

Una, sinasabi ngang nangyari iyon “immediately after” ng kanilang wedding reception. Ibig sabihin hindi pa sila talaga nagbibihis, at hindi pa sila nakararating sa lugar kung saan sila magbibihis. Ang naisip naming una riyan, baka hindi nila nagustuhan ang pagkain doon sa wedding reception nila, o hindi sila nakakaing mabuti at nagutom kaya dumaan sila sa fastfood chain. Ikalawang dahilan, gusto nilang malaman ng lahat na kasal na sila kaya nagpakita sila sa mga kumakain sa fastfood chain na nakasuot pang kasal. Hindi sinabi ng mga natsitsismis kung ano ang inorder ng dalawa sa fastfood chain.

Ang isang posibleng dahilan, iyon ay isang advertising deal. Baka casual endorsement deal iyon. Hindi namin napanood iyong wedding coverage ng kanilang kasal kaya hindi kami sure kung may commercials ba roon iyong fastfood chain na iyon. Kung iyon man ay isang advertising deal, wala na rin tayong pakialam doon.

Bakit pa ninyo pinakikialaman iyang si Toni kung hate ninyo. ‘Di huwag na lang ninyong pansinin wala pa kayong magiging problema.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …