VONGGANG CHIKKA – Peter Ledesma .
LAST Saturday kahit na bumuhos ang malakas na ulan ay naging very successful pa rin ang 3-Day Open Kitchen Best-Kept Recipes of The Stars sa Amphitheater ng UP Town Center na handog ng The Clean Plate ng Twist resto ni Sir Deo Endrinal, located sa na-sabing place at ang first branch ay nasa Il Terrazo sa Tomas Morato.
Yes kesehodang mabasa sila ng ulan ay walang paki ang fans na sumugod talaga sa nasa-bing event na hosted ng aming dearest Eric John Salut upang suportahan ang food bazaar ng kani-kanilang paboritong celebrities na pinangunahan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agon-cillo kasama ang buong team na blockbuster ang personal na nilutong “Dirty Breakfast.” Marami pa sana ang gustong bumili pero dahil limited lang sa 150 persons ay ‘yung cook book na lang ni Juday na Judy Ann’s Kitchen Book na nagkakahalaga ng P595 ang pinagkaguluhan. Sold-out ang lahat ng kopya noong araw na iyun.
Tulad ng booth ng Agoncillo couple, pinila-han din ang puwesto ni Pokwang na hit na hit sa tao ang specialty na laing na kahit ilang beses na nag-deliver ng stock ay laging ubos. At present, Pokie is very blooming dahil kasama ang gwapong kanong boyfriend na si Lee O’Brian sa okasyon na sobrang sweet talaga sa isa’t isa. Naging in-demand rin ‘yung special suka ni Pokwang na nilagyan raw niya ng kung ano-anong kalandiang sangkap kaya’t super sarap na sawsawan.
Ilan pa sa mga artistang nag-participate ay si Vice Ganda na super mabenta rin ang Vice Rice Toppings, Richard Yap at ang kanyang Homemade cook, Liza Dino’s Adobo, Maricar Reyes-Poon’s Choco Liquor cake, Priscilla Mereilles-Estrada’s Special Pasta, JC de Vera’s Burger and Crispy bacon, Isabelle Daza’s Baquettini, Sam Milby’s Ice Cream of Third District, Mel Martinez Cusina ni Bunso, Paul Jake Castillo’s Lechon Cebu, Anthony Taberna’s Tinapay ni Tunying, at ang selling like hotcake rin na Paolo Valenciano’s, Lovi Poe’s and Angeline Quinto’s Barbeque.
Nakita rin namin ang booth nina Marvin Agustin at Sherilyn Reyes na mabenta rin sa kanilang followers. Nagkaroon ng mini-show si KZ Tan-dingan na pinagkaguluhan ng crowd. Dumalo ang Kapamilya stars na sina Marvin Agustin, Julia Montes, Paulo Avelino, Mika dela Cruz at ang Hari ng Teleserye sa Primetime Bida na si Coco Martin na halos ayaw nang pakawalan ng audience.
Balita ni Ms. Cynch, staff ng Classified Media Events umpisa pa lang daw ng event noong Hunyo 19 (Biyernes) ay dinudumog na sila ng tao na galing pa sa iba’t-ibang lugar dahil kumpleto ang mga artistang kasama sa The Open Kitchen na kahit nagtapos na sila noong linggo, lahat ng mga nagustuhang pagkain sa bazaar na gustong umorder ay pwede raw silang tawagan. Naroon rin ang head ng Dreamscape Entertainment na si Sir Deo Endrinal, organizer ng star-studded na event at kaya raw niya naisip na gawin ito ay, “To help them, promote their product,” sey ng mabait at sweet naming boss, nang amin siyang makausap. Dahil successful sila ay posibleng magkaroon ng part two ang Open Kitchen kaya ‘yan daw ang dapat abangan ng fans.
Waging-wagi gyud!
ALENG MALIIT RYZZA MAE DIZON PANG-INTERNATIONAL NA, MAY SARILING TELESERYE PA KASAMA SI AIZA SEGUERRA
Among our child stars ay isa rin sa maituturing na pinakamasuwerte si Ryzza Mae Dizon na bukod sa alagang-alaga ng Eat Bulaga at ng kanyang manager na si Ma’am Ma-lou Choa-Fagar ang career ay twice na nakatanggap ng pabulosang birthday gift mula sa Bulaga.
Last year house and lot na located sa Congressional Avenue ang tinanggap ni Aleng Maliit na courtesy ng tatay-tatayang si Bossing Vic Sotto. At this year naman nang magdaos ng kanyang 1Oth birthday last June 12 si Aleng Maliit ay isang big project na pagbibidahang serye naman na “The First Daughter” ang ibinigay sa kanya ng show at ng APT Entertainment na producer ng soap. Makakasama niya ang kapwa produkto ng Little Miss Philippines na si Aiza Seguerra with Eula Valdez, Dante Rivero, Rocky Salumbides atbp. Sa ilalim ng direksyon ni Mike Tuviera. Nagsimula na ng taping si Ryzza at ang mga nabanggit na co-stars na pagdating sa drama ay subok ang husay at galing.
Siguradong kaya rin makipagsabayan sa aktingan ng Tape child superstar dahil effective rin siya sa pagganap sa ganitong klase ng palabas. Kahit may sariling teleserye na ay patuloy pa rin ninyong mapapanood si Aleng Maliit sa weekly sitcom nila ni Bossing na “Vampire ang Daddy Ko” at sa daily morning talk show na “The Ryzza Mae Show” bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7. Going to three years na ang morning talk show ng smallest and youngest talk show host na bukod sa iba’t ibang parangal ganoon na rin ang kanyang programa ay naging in-demand rin siya sa mga product endorsements.
Sa nakaraang awards night ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa kanilang 46th Box Office Entertainment Awards ay itinanghal si Ryzza Mae bilang “Most Popular Female Child Performer.” Ginawaran din ang Eat Bulaga na “Most Popular TV Program Musical Variety.”
Uy pang-international na rin si Aleng Maliit dahil mapapanood siya sa isang US-based Travel Channel. Dumalaw pa mismo sa The Ryzza Mae Show ang host nito na si Karla Cavalli na isang artista sa Hollywood. Ipakikita ni Ryzza Mae rito ang paboritong pagkain ng mga Pinoy tulad ng taho at pandesal.
Certified child superstar gyud!