Saturday , December 21 2024

Lim, Erap maghaharap sa Kamara (Sa isyu ng ‘photo bomber’ ni Rizal)

PAPASOK na rin sa eksena ang Kamara para imbestigahan ang kontrobersiyal na Torre De Manila.

Ayon kay House Committee on Metro Manila Development chairman, Rep. Winston Castelo, iimbitahan nila sina Manila Mayor Joseph Estrada at ang dating alkalde na si Alfredo Lim sa Hulyo 1 (Miyerkoles) upang pagpaliwanagin kung bakit pinabayaang itayo ang halos 50 palapag ng nasabing gusali.

Paglilinaw ni Castelo, layunin ng imbestigasyon na mabatid kung paano maso-solusyonan ang naturang isyu at hindi para magsisihan o magturuan kung sino ang may kasalanan sa pagtatayo ng naturang establisyemento.

Inaasahang magiging positibo ang resulta ng imbestigasyon ‘in aid of legislation’ upang kung sakali mabigyan ng karagdagang kapangyarihan ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) o ng police power sa mandatong iniatang sa kanila.

Habang sa pananaw ni Akbayan Rep. Ibarra Gutierrez, hindi malayong ma-ban nang permanente  sa lahat ng transaksyon ng government agencies ang DMCI kung mapatutunayang lumabag sila sa batas.

Ayon kay Gutierrez,  posibleng may nilabag ang DMCI dahil noong Enero pa naglabas ng Cease and Desist Order (CDO) para ipahinto ang konstruksyon ngunit idiniretso pa rin nila ang trabaho. 

Huminto lamang ang konstruksiyon nang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema nitong nakaraang linggo.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *