Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady drug courier tiklo sa P5-M shabu

ARESTADO ang isang babaeng hinihinalang courier ng droga makaraan makompiskahan ng P5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa SM Mall of Asia, Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PDEA National Capital Region (NCR) Director Erwin Ogario ang suspek na si Mila Samira, 46, tubong Marawi City, at naninirahan sa Baclaran, Parañaque City.

Base sa report, dakong 7 p.m. nang maaresto si Samira sa SM Mall of Asia sa Seaside Blvd., Pasay City.

Napag-alaman, isang babaeng PDEA agent ang nagpanggap na poseur buyer at nang makabili ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ay agad inaresto ng mga awtoridad ang suspek.

Nauna rito, inginuso ang suspek ng isang binatilyong nadakip kamakailan sa isang fastfood chain sa naturang mall.

Sinampahan na kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office ng kaukulang kaso ang suspek.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …