Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grace inilampaso si Binay

EDITORIAL logoHINDI na nakabibigla ang resulta ng magkasunod na presidential survey na isinagawa kamakailan ng Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) nang ungusan ni Sen. Grace Poe si Vice President Jojo Binay.

Hindi maikakaila na malaki ang naging epekto ng Senate investigation sa kontrobersiyal na  Makati City Hall Parking Bulding II kaya lumagapak ang rating ni Binay.

Pero hindi dapat na maging kampante si Grace.  Ngayong nangunguna na siya sa presidential survey, at alam naman ng kanyang mga kalaban na maghahayag din siya ng kanyang kandidatura sa hinaharap, kailangan mag-ingat at maging handa si Grace dahil tiyak na gigibain siya ng kanyang mga makakalaban.

Hindi lang citizenship at residency ang hahalukayin ng kanyang mga kalaban kundi ang iba pang natatagong baho, kung meron man, ang dapat paghandaan ng senadora. Kailangan niya ng grupong sasalag sa lahat ng mga negatibong ipupukol sa kanya.

At dahil sa survey result ng Pulse Asia at SWS, sinabi ni Grace na … “Muli, ako ay mapagkumbabang nagpapasalamat sa tiwalang ipinagkakaloob ng ating mga kababayan.  Kasama po nila akong naghahangad ng isang bansang makapamumuhay ang bawat Pilipino nang may patas na oportunidad at pagkakataong umunlad.  Ang tinig ng ating mga kababayan  ay mahalaga sa akin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …