BOC-IG scanner o scammer?
hataw tabloid
June 24, 2015
Opinion
HINILING kamakailan ng Bureau of Customs Intelligence group (BOC-IG) sa office of the Ombudsman na imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso ang isang dating contractual employee na si RONALD SILVERIO SANCHEZ a.k.a. ABU na isang IG scanner who resigned last June 1, 2015 hinggil sa mga report na sangkot siya sa katiwalian sa BOC.
Sa isang opisyal na liham kay Ombusdman Conchita Carpio Morales mula kay Major Jovily Carmel Cabading special assistant for Operation ng Intelligence group (IG) that allegedly Mr. Sanchez committed several illegal acts, such as soliciting monetary favors from legitimate customs brokers and importers for the release of their shipments otherwise their shipment will be put in alert status.
Nabuko umano ang maling gawain ni ABU dahil sa isang whistleblower na si Buboy na nagsumite ng mga supporting evidence laban sa kanya, ng mga kopya ng mga deposit slips bearing different amounts of money deposited to the different bank accounts said to be owned by Mr. Sanchez.
Kung susumahin na nga raw ay aabutin umano ng milyones ang mga perang naideposito sa bank accounts.
Kaagad ipinag-utos ni BOC-IG DepComm. Jessie Dellosa ang isang malawakang imbestigasyon kung sino-sino pa ang mga kasabwat sa sinasabing illegal operation ni Mr. Sanchez.
Nananawagan rin si Major Cabading, sa stakeholders, brokers na nabiktima ng raket ni Sanchez na magtungo sa kanilang tanggapan para magharap ng pormal na reklamo.
Yari sila ngayon!
Tapos na ang happy days ng scammers sa Customs!