Aabot pa kaya sa eleksyon sina Binay?
hataw tabloid
June 24, 2015
Opinion
MALAMANG na masuspinde na naman si Makati City Vice Mayor Junjun Binay.
At another case na naman ng Graft at Plunder ang maisasampa sa ama niyang si Vice President Jojo Binay.
Labing-apat pa na City officials ang kabilang sa mga makakasuhan.
Ito’y kaugnay naman ng katiwalian sa pagpapatayo ng 10-storey Makati Science High School.
Kinakitaan daw ng probers ng Office of the Ombudsman nang malakas na “preliminary evidence” na ang paboritong kontraktor ni Binay na Hilmarcs Corporations ay dumaan lamang sa ‘bidding-bidingan.’
Sa madali’t salita ay walang bidding na nangyari. Basta lang inia-award nina Binay sa Hilmarcs ang pagpapatayo ng naturang paaralan, na overpriced din tulad ng Makati Parking Building!
Sa dami ng mabibigat na kasong katiwalian na kinakaharap ngayon ng pamilya Binay, aabot pa kaya sila sa halalan?
Sabi nga ni House Speaker Sonny Belmonte, hindi puwedeng balewalain lamang ni VP Binay ang mga inaakusa sa kanya.
Oo, kailangan ni VP Binay na patunayan sa publiko at sa batas na walang katotohanan ang mga isinampang kaso laban sa kanila or else magiging kakosa nila sina Tanda, Sexy at Pogi bago pa sumapit ang halalan. Pramis!
Reklamo vs Excellent Bldg. Care and Gen. Services Inc.
– Sir Joey, paki sa Excellent Bldg. Care and Gen. Services Inc. na pag-aari ni Col. Uy. ‘Yung sahod po kasi ng mga tao di pa nila nabibigay. Nawalan na nga ng trabaho sa MRT bilang janitor, ‘yung natitirang buwan ng April ‘di pa nila maibigay. Kawawa naman ang mga tao, nag-aantay… at yung cashbond hindi rin nila ibinibigay. Kailangan na namin ito sa aming pamilya. Sana makarating kay Col. Uy at maibigay niya na sa amin ang pera namin. Salamat po. – ex-janitor sa MRT
Traffic enforcers kailangan sa Bagong Bario Elem. School
– Sir Joey, mananawagan lang kami sa aming mayor na kung puwede ay maglagay sila ng nagtatrapik sa harapan ng Bagong Bario Elem. School. Kawawa yung mga bata pag oras ng pasukan at labasan. Bigla nalang tumatawid… baka masagasaan. Sayang ‘yung mga pulis dito… nasa harapan lang nila, walang ginagawa. Wag na sanang antayin na may masagasaan pa bago sila umaksiyon. – Concerned parent
Malala na ang droga Sa Recodo, Zamboanga
– Joey, magandang araw po sayo. Ako ay residente ng Recodo Zamboanga City. Dito po sa aming lugar ay malala na talaga ang bentahan ng iligal na droga. Sa gabi po di na lumalabas ang mga tao dahil sa takot. Sana po matulungan nyo kami rito. Parang wala naman kasi ginagawa ang kapulisan namin dito. Sana po ay maaksiyunan agad ito. Maraming salamat. – Concerned citizen
Mga perhuwisyong adik at tulak sa Brgy. Narra, Catarman, Samar
– Magandang araw po, Sir Joey. Dito po sa amin sa Brgy. Narra, Catarman, Samar, napakaraming adik at pushers ng iligal na droga na shabu. Ang kilalang pusher dito ay si Onal. Sana mahuli na ang taong ito na perwisyo sa kabataan. Ang runner niya ay sila Ilo, James, at Puti. – Concerned citizen
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015