Wednesday , December 25 2024

Tatak ng Pagdilao tatak ng Sinserong Paglilingkod

00 aksyon almarOLAN Bola, isa siyang radio reporter ng GMA 7- DzBB. Magaling at masipag na reporter ang nasabing family man. Belated Happy Father’s Day pala sa iyo bro.

Simula nang makilala ko si Bola – may 10 taon na rin ang nakararaan – — hanggang ngayon ay magkasama pa rin kami sa QCPD Press Corps, isa kami sa mga unang miyembro rito/lumaki na rin dito, wala pa akong narinig na kalokohang kinasasangkutan si Olan Bola.

Kailanman, wala pang nagrereklamo laban kay Olan Bola. Hindi naman niya kasi hina-harass ang mga taong kanyang nababatikos sa pagbabalita. Hindi siya nasusuhulan.

Straight din ang mamamahayag na si Olan – kaya hanggang ngayon ay nasa GMA pa ang mama, kung hindi, tiyak matagal na siyang sibak. Sensitibo pa naman ang pamunuan ng GMA. Kapag may narinig o nabalitaan silang sangkot sa kalokohan ang kanilang tauhan. Naku po, hindi nila pinalalampas. E si Olan, kailanman ay hindi pa nahaharap sa anomang imbestigasyon sa GMA. Ibig sabihin, oks ang record niya.

Lamang, nabuburyong si Olan, dahil sa napagkakamalan siyang si alyas “Mr. Bula,” manunulat naman sa isang weekly paper.

Si Bula kasi ay mapalakaibigan sa mga ope-rator ng perya. Wala naman pong masama sa perya. Habang si Olan ay walang kakilalang ope-rator. Ni isang operator, ayon kay Bola ay wala siyang kilala o kaibigan.

Nasabing napagkakamalan din si Olan Bola na siya si Mr. Bula  dahil minsan daw – sabi ni Val Leonardo, photojournalist ng Remate, nakatanggap ng tawag si Olan Bola mula sa isang operator. Akala siya ay si Bula kaya nagulat ang mama. Nilinaw ni Bola sa nasa kabilang linya na hindi siya si Mr. Bula kundi siya ay si Bola. Nilinaw din niya na magkaiba sila. Tinanong naman daw ni Olan Bola kung paano nalaman ang kanyang number. Sinabi sa kanya na sa presinto daw nakuha ito. Ibinigay ng pulis. Iyon pala, iniiwan ni Olan Bola ang kanyang number sa mga presintong napupuntahan para kung mayroon mang magandang istorya ay agad na itawag sa kanya.

Isinulat natin ito bilang isa sa nakakikilala kung sino si Olan Bola at para sa kaalaman ng nakararami.

Yes, iba po si Olan Bola kay Ginoong Bula.

***

Illegal drugs, isa sa pangunahing problema ng gobyerno natin pero kahit paano ay bumababa naman ang paglobo nito sa bansa – hindi lamang sa pagkakahuli ng mga salot kundi marami na rin ang nahatulan, tulad ng pagsang-ayon ng CA sa habambuhay  na hatol  ng Pasay RTC kay Lim Ting Chong na dinakip noong Abril 10, 2010 sa NAIA sa pagpuslit ng 14 kilong shabu.

May mga ginawang pag-aaral ang PNP noon – karamihan sa mga krimen tulad ng panghahalay at pagpatay ay kinasasangkutan ng mga sabog na droga na salarin.

Sa kabila nito, bibihirang makahuli ang PNP ng malalaking  sangkot sa droga. Pero sa Kyusi, epektibo ang kampanya laban sa droga ni PC/Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD Director at kapatid ni Cong. Samuel “Sir Tsip” Pagdilao Jr., ng Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list. 

Kamakailan, halagang P225 milyong shabu ang nakompiska ng  QCPD kay Gary O. Go. Nauna rito, simula nang maging DD si Pagdilao ay may P50 milyong shabu na ang nakompiska. 

Hindi nakapagtatakang mataas ang standard ni Gen.  Pagdilao pagdating sa paglaban sa krimen. Oo, ito na yata kasi iyong  ‘tatak’ ng mga Pagdilao sa serbisyo.  Si Kong. Sir Tsip, bago maluklok sa Kongreso, kinilala rin siya sa operasyon niya laban sa illegal drug trafficker lalo na noong Direktor pa siya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Noong Agosto 2011, sa isang buy-bust ope-ration ng tropa ni Sir Tsip Pagdilao sa Brgy. South Triangle, Quezon City, halagang P10 milyon shabu ang nakompiska sa nahuling dalawang tao ng Bamboo Gang.

“Tatak Pagdilao” nga ‘yan!

Saludo ang marami sa achievements ng mag-utol lalo na sa sinseridad nila sa pagsugpo sa krimen! Kay Sir Tsip Sam Pagdilao, napakaganda ng ipinamana mong sipag at dedikasyon sa iyong nakababatang kapatid na si Gen. Joel. Sana’y magsilbing halimbawa ito sa pulisya natin para tulong-tulong ang lahat sa pagsugpo sa droga.

Gen. Pagdilao, congrats po ulit, gayundin sa mga taga-DAID.

Kay Kong. Sam Pagdilao naman, retirado man sa PNP, hindi naman matatawaran ang kanyang mga nagawa… at ngayong nasa Kongreso siya, hindi pa rin nakalilimot para sa paglingkod sa bayan.  ‘Ika nga masasabing hinog si Sir Tsip, kaya puwede na siyang pitasin sa larangan ng mga kongresista at ihanay sa mga senador para mapalawak pa niya ang paglilingkod.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *