Sunday , December 22 2024

Prestihiyosong gawad ng ulirang guro sa Filipino, bukas na

Muling tumatanggap ng nominasyon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa prestihiyong Gawad Ulirang Guro sa Filipino sa taong 2015.

Nasa ikalawang taon na ang gawad na kumikilala sa ambag ng mga guro sa Filipino o gumagamit ng Filipino sa pagtuturo sa kani-kanilang larang o disiplina at iba pang gawain.  Naniniwala ang KWF na mahalaga ang tungkulin ng mga guro sa larang ng edukasyon at ang kanilang pagpupunyagi ay nararapat na pahalagahan dahil nakatutulong sila sa pagpapamalay sa mga mag-aaral ng kahalagahan ng wikang pambansa.

Ang nominado ay maaaring nagtuturo sa alinman antas ng edukasyon, pampubliko man o pampribado, at dapat na may hawak na kaukulang lisensiya (LET, at iba pa), full-time, at may permanenteng status sa paaralang pinagtuturuan.  Siya ay dapat nakapaglingkod na nang tatlo o higit pang taon bilang guro ng Filipino o mga kaugnay na disiplina, at may performance rating na hindi bababa sa Very Satisfactory sa buong panahon ng paglilingkod.

Siya ay dapat nakapag-ambag sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa pamamagitan ng saliksik, publikasyon, pag-oorganisa ng seminar, pagsasanay o palihan, at iba pang katulad na gawain.  Siya rin ay dapat nangunguna sa pagpapaha-laga sa pamanang pangwika at pangkultura ng Filipinas na kaagapay ng pagtatagu-yod, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng wikang Filipino.  Bagama’t opsiyonal, malaking bagay kung ang nominado ay nakatanggap na ng mga parangal o iba pang gawad na kaugnay sa kaniyang propesyon.  Bukod dito, ang nominado ay kailangang may rekomendasyon ng kaniyang immediate supervisor na nagpapatunay ng kagalingang bilang guro na may makabansa at makataong kamalayan.

Ang pormularyo para sa nominasyon ay mada-download sa www.kwf.gov.ph. Ang nominasyon, kasama na ang mga patunay at rekomendasyon, ay kailangang maipasa sa tanggapan ng KWF sa Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, San Miguel, Lungsod Maynila 1005.  Ang huling araw ng pagpasa ay sa 3 Hulyo 2015, hanggang alas-5 nh.

Para sa mga karagdagang detalye, maaaring tumawag ang mga interesado sa 7362519, mag-email [email protected] o bumisita sa website ng KWF.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *