Wednesday , December 25 2024

Pilit ginigiba si  Dellosa

00 Palipad hangin Arnold ataderoMAY ilang opisyal sa Malacañang na tila baga pilit ginigiba si Customs Deputy Commissioner Jessie Dellosa ng Intelligence Group na sa tingin nang marami sa Customs ay may kinalaman sa kanyang pinaiigting na kampanya laban sa pesteng smuggling.

Sa ating analysis, may kinalaman lahat ito sa 20l6 presidential elections na nakataya ang credibility at tila gustong buhusan ng pera ni Huwan dela Krus (government funds) ng napipisil na pambato ng Liberal Party sa presidential polls. Wala naman ibang hinala kung hindi si Mar Roxas ang manok ni Pinoy.

Massive political machinery (resources) at political organization tulad ng LP at mga kakabit na partido ang ipangbabangga sa mga ppposition candidate sa pangunguna ni VP Binay.

May indications na tila gustong gibain ang credibility ni Dellosa, kaya lang, ang mga nasa likod ng plano hindi marahil maibulong nang diretsahan kay Pinoy o dili kaya naman dedma sila.

Unang pinaputok ang tsismis na si Dellosa ay pinapalipat sa Bureau of Correction na mahigpit na pinabulaanan ng dating AGF chief of staff. Mariin niyang sinabi na hindi siya aalis sa kustoms liban na lang kung sabihan siya ni Pinoy. Walang nangyari dito.

Ang ikalawa itong isang confidential memorandum ni Dellosa na marahil ‘for your eyes only’ na idinetalye ni Dellosa ang mga scandal tulad ng tara (grease money) system na nangyayari sa loob ng Aduana ni Commissioner Lina.

Ikatlo, ang pagkakatatag ng Task Force Pantalan na mismong si Commissioner Lina ang nagsabi na may basbas niya sa kabila ng mga anti-smuggling drive ng Intelligence Group ni Dellosa.

Dito sa Kaymanilaan, hindi ramdam ang anti-smuggling drive ng mga katulong ni Dellosa — sila ay mga army personnel tulad ng Marine, Navy at gayon din ng Coast Guard.

Seguro naman ang assurance ni Pinoy kay Dellosa na malapit din sa family nina Pinoy (Dellosa naging member ng PSG ng Palasyo at chief of staff nga kahit ilang buwan lang).

Paanong nakalabas sa inner sanctum ni Pinoy iyong isang confidential na FYI memo. Iyon din ang pinalutang na tsismis na ililipat si Dellosa sa Bucor? Sino ang may mga direct access sa mga confidential memo?  Ito ba ay na-hack ng computer hackers ?

Doon sa confidential memo niya, kanyang pinuna ang tila maluwag na pagpapairal ng so-called “settlement scheme (na ang isang nahulian ng undervalued, or misdeclared goods puwedeng matubos sa mababang  halaga lang at ito naman ay papatungan ng kaunting penalty. Nangyari ito sa kaso ng Subic Collector Bon de Castro na kung saan pinayagan ang tattling “all Terrai Vehicles”na muling ma-redeem ng isang congressman kahit ito raw ay “tainted with fraud.”

Tila pati tameme lang si Commissioner Lina. Abangan ang mga susunod na demolition job laban kay Dellosa. 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *