Sunday , December 22 2024

P27-B block grant ng Bangsamoro ibibili ng armas?

NABABAHALA si House National Defense and Security Committee vice chairman at Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na gamitin ang P27 bilyong block grant ng Bangsamoro sa pagbili ng armas.

Paliwanag ni Alejano, “ang tingin po natin diyan ay automatic na ire-release ng gobyerno [ang P27-bilyong block grant] na hindi dapat i-itemize.”

“Ang block grant ay naa-ayon sa allocation ng Bangsamoro parliament so sila po ang mag-a-allocate niyan. Ang gagawin ng gobyerno, ibibigay sa kanila nang buo, automatic.”

Kinatatakot niya, “paano kung gagamitin ‘yan sa pagbili ng firearms, explosives and ammunitions? Made-defeat po ‘yung purpose ng pagse-scaling down ng pwersa in the guise nga na tutulungan ang Bangsamoro police.”

Giit niya, dapat linawin kung saan ito gagamitin at dapat magkaroon nang tamang sistema sa pag-audit ng pondo.

“Tinatanong nga po natin ‘yan dahil ano ang safeguards natin diyan kasi hindi ‘yan according sa Republic Act (RA) No. 7160 katulad sa Internal Revenue Allotment ng ating local government kung saan may specific po ‘yan na pupuntahan.”

Bibigyan ng P37 bilyong pork barrel ang Bangsamoro at  nakapaloob dito ang P27 bilyong block grant.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *