Sunday , December 22 2024

Mayorya ng Kentex fire victims nakipag-areglo na

PUMAYAG nang maki-pag-areglo sa mga may-ari ng nasunog na pabrika sa Valenzuela City ang mayorya ng mga pamilya ng mga namatay sa insidente.

Ayon kay Atty. Renato Paraiso, legal counsel ng Kentex Manufacturing Corporation, 57 pamilya na ang pumayag sa amicable settlement.

Inaasahang aabot pa sa 60 ang mapapapayag nila ngayong linggo.

Higit P150,000 ang iniaabot nilang tulong pinansyal kabilang na ang gastusin sa pagpapalibing.

May quick claim, waiver at release na pinapipirma sa mga naki-pag-areglong pamilya na nagdedeklarang hindi sila maghahabol o magdedemanda sa mga may-ari.

Ani Paraiso, may napapapayag sila sa settlement dahil naipaliliwanag nila nang maayos na hindi kasalanan ng mga may-ari ang trahedya.

Nitong Lunes, Hunyo 22 ginunita ng mga pamilya ang ika-40 araw ng pagkamatay ng mga biktima ng sunog.

Pulisya nakarekober pa ng pira-pirasong katawan sa Kentex

NAKAREKOBER pa ng pira-pirasong katawan ng tao ang PNP Crime Laboratory mula sa nasunog na Kentex Manufacturing sa Valenzuela City nitong Sabado at kahapon.

Ayon kay PNP Crime Laboratory deputy director, Senior Supt. Emmanuela Aranas, hindi pa nila matukoy kung ito ay mula sa ilang tao at kung sino-sino ang mga ito.

Umaasa si Aranas na matatapos na ng kanilang mga tauhan ang pagtanggal sa bumagsak na bubong ng Kentex manufacturing sa tulong ng City Engineering ng Valenzuela.

Aminado si Aranas na mabagal ang nasabing proseso dahil lubhang mapanganib ang lugar.

Giit ng opisyal, layunin ng nasabing imbestigasyon na mabigyan ng closure ang kaso ng Kentex.

Una rito, may dalawa pang claimants ang naghahanap sa nawawala nilang kaanak ngunit hindi tumutugma ang kanilang DNA samples sa 69 bangkay na naiproseso ng PNP Crime Laboratory. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *