Friday , November 15 2024

 ‘I-boycott mga China products’ —dating Congressman Golez

ANANAWAGAN si dating Parañaque representative Roilo Golez sa sambayanang Filipino na i-boycott ang mga produktong gawang Tsina bilang tugon sa pambu-‘bully’ ng Tsina sa Filipinas kaugnay ng pinag-aagawang Spratly’s islands at iba pang mga territorial claim sa West Philippine Sea.

Sa Tapatan sa Aristocrat media forum, binigyang-diin ng dating kongresista ang halaga ng pagtugon sa problemang kinahaharap ng bansa ukol sa territorial claims na may banta hindi lamang sa Filipinas kundi may economic at political impact sa ibang bansa tulad ng Vietnam, Malaysia, Brunei at maging ang Estados Unidos.

“Wala tayong military capability para harapin ang puwersa ng Tsina sa himpapawid at dagat ngunit may magagawa tayo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sanction na makasasakit sa kanila, tulad ng pag-boycott sa ilang produkto ng Tsina na makaaapekto sa isang malaking industriya na nagbibigay ng malaking revenue tulad ng garment industry,” diin ni Golez.

Sa pagpili sa garments, ipinaliwanag ng dating mambabatas na makakasakit ito sa Chinese economy habang napoprotektahan din ang interes ng mamamayang Filipino dahil mayroon pang ibang ipapamalit dito na hindi gawa sa Tsina.

Idinulog na ng Filipinas ang Tsina sa isang United Nations arbitration tribunal para labanan ang claim ng Beijing sa malaking bahagi ng South China Sea (o West Philippine Sea) para respetohin ang karapatan ng Filipinas sa exclusive economic zone (EEZ) at mapigilan ang mga Chinese incursion sa nabanggit na mga lugar.

Nagsagawa ang Filipinas ng compulsory proceedings laban sa Tsina na binibigyang puwang sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (Unclos), at hiniling sa UN na ideklarang ilegal ang sinasabing ‘nine-dash line’ claim ng Tsina.

“Dapat itigil ng Tsina ang mga ilegal na aktibidad nitong lumalabag sa soberenidad at hurisdiksyon ng Filipinas sa ilalim ng 1982 Unclos,” wika ni Golez.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *