Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Binay kumalas na  sa ‘daang matuwid’

062315 FRONTNAGBITIW na si Vice President Jejomar Binay bilang miyembro ng Ga-binete ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon.

Nagtungo dakong 3:55 p.m. sa tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., si Makati City Rep. Abigail Binay para ibigay ang “irrevocable resignation letter” ng kanyang ama para kay Pangulong Benigno Aquino III.

Wala pang opisyal na pahayag ang Palasyo hinggil sa pagkalas ni Binay sa Gabinete.

Matatandaan, inihayag ni Pangulong Aquino kamakailan na hindi niya ii-endorse ang presidential bid ni Binay sa 2016 elections dahil simula’t sapol ay hindi sila magkagrupo.

Ayon sa kalatas na ipinadala sa media ni Joey Salgado, pinuno ng OVP Media Affairs, kasama ni Abigail na nagdala sa Malacañang ng resignation letter ng kanyang ama, si Undersecretary Benjamin Martinez Jr., chief of staff ng Bise Presidente.

Nauna rito, pumalag ang Palasyo sa pagha-hambing kay Pangulong Aquino III kay Vice-President Jejomar Binay kaugnay sa resulta ng survey ng Pulse Asia.

Lumabas sa survey ng Pulse Asia na bagama’t nakabawi si Pangulong Aquino sa kanyang trust at performance rating, naungusan siya ni Binay na nanguna sa mga pinagtitiwalaang opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Coloma, hindi dapat pagkomparahin na parang mansanas ang dalawang opisyal dahil si Pangulong Aquino ang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Batay sa survey ng Pulse Asia, nakakuha si Binay ng 57%, mas mataas kompara noong Marso na 42% habang si Pangulong Aquino ay nakakuha ng trust rating na 50% kompara sa pinakamababang record niya noong Marso na 36%.

Si Binay, pati ang anak na si Makati City Mayor Jun-jun Binay at iba pang opisyal ng lungsod ay nahaharap sa mga kasong plunder sa Ombudsman at iniimbestigahan ng Senado bunsod ng maanomalyang mga proyekto sa panahong siya ang alkalde ng siyudad.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …