Agri-tourism best practices pag-aaralan ni Villar sa Taiwan
hataw tabloid
June 23, 2015
News
PATUNGONG Taiwan si Sen. Cynthia Villar para kumuha ng kaalaman kaugnay ng kanyang panukalang batas na nagsusulong sa farm tourism sa bansa.
Naatasan si Villar, chair ng Senate Committee on Agriculture and Food, na pangunahan ang study tour sa pinakamagagaling na agri-tourism sites sa Taiwan simula Hunyo 21 hanggang Hunyo 25.
“Agriculture-tourism can be considered as the ‘sunshine industry’ in the agriculture sector. We believe in its potential to augment the income of our people in agriculture that’s why we are working on this bill that will allow our farmers and fisher folk to seize this opportunity,” ayon kay Villar.
Makikipagkita rin si Villar kay Master Cheng Yen, tinaguriang ”Mother Teresa of Asia” na nagtayo sa international humanitarian organization Tzu Chi Foundation. Humingi ng pagkakataon si Villar na makita ang Buddhist nun para personal na pasalamatan sa kanyang donasyon na rescue boat sa Las Piñas Red Cross.
Nagsagawa na ang komite ni Villar ng pagdinig at nagpulong ang tecnical working group kaugnay ng mga panukalang batas na inihain sa Senado kabilang ang kanyang inakda na Senate Bill 2766 o Farm Tourism Act of 2015.
Ipinahayag ng Nacionalista Party senator na isusumite niya ang committee report sa pagbabalik ng session sa Hulyo.
Noong nakaraang linggo, nagtungo si Villar sa Negros Occidental para kumuha ng inputs sa attractions at management ng farm tourism dito.
Kabilang sa mga farm na binisita niya ang Fresh Start Organics, May’s Organic Garden and Restaurant, Rapha Valley.
Nagbigay din siya ng composting equipment kay Bacolod City Mayor Monico Puentevella.
“Farm tourism can also help solve the problem of urban migration, which is placing stress on public services in urban areas. Kapag nagkaroon ng development sa rural areas, maiiwasan ang urban migration. Farm tourism would contribute to rural development. At hindi na kakailanganin ng mga taga-probinsya na umalis sa para pumunta sa mga urban areas,” pahayag ng senador.
Sa kasalukuyan, ang Filipinas ay may kabuuang 32 agri-tourism sites kabilang ang 27 protected areas na may strawberry at organic vegetable farms sa Benguet pati ang pineapple at coffee plantations sa Bukidnon.
Layunin ng mga nakabinbing panukalang batas sa Senado na magkaroon ng mga programang magsusulong at sususporta sa farm tourism gayondin ang pagtatayo ng Philippine Farm Tourism Industry Development Coordinating Council.
Nais din ng panukalang batas na tiyakin ang mga polisiya at programa ng pamahalaan kabilang ang local government units, state universities at colleges at schools, at aktibidades ng mga pribadong sektor na nakalaan tungo sa pag-unlad at pagsulong ng farm tourism.
Niño Aclan/Cynthia Martin