Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, napa-iyak kay Tatay Benjamin

 

UNCUT – Alex Brosas . 

062215 vice ganda Tatay Benjamin

NAPAIYAK si Vice Ganda kamakailan sa It’s Showtime and it is because of Tatay Benjamin na nanghingi ng advice sa kanya sa AdVice Ganda segment.

Nangungulila kasi si Tatay Benjamin dahil nasa Dubai, Canada, at Hong Kong ang kanyang mga anak.

“Nalulungkot po ako at nangungulila dahil ‘yung mga anak kong tatlo, wala na ho rito. Nandoon po sila sa labas ng Pilipinas,” sabi ni Tatay Benjamin kay Vice.

Naging emosyonal si Vice dahil naalala niya ang yumaong lolo na si Gonzalo Dacumos na namatay last year.

“Hindi ko talaga alam kung anong ibibigay ko sa inyong advice. hindi ko naman puwedeng maobliga o sabihin ko sa mga anak n’yo na, ‘Oy, please take time para bisitahin n’yo naman ‘yung tatay n’yo.’ Magiging napakaipokrito ko kasi hindi ko ‘yun ginawa rati,” say ni Vice.

“Sa rami ng obligasyon ko, sa rami ng priorities ko, gusto ko magpasaya ng audience ko, pero hindi ko alam, kung uunahin kong pasayahin ‘yung audience ko o pasasayahin ‘yung lolo ko. Hindi ko na alam kung anong ipa-prioritize ko kaya baka ganoon din ‘yung nangyayari sa mga anak n’yo kaya hindi ko sila pwedeng husgahan,” dagdag pa niya.

Napaluha na si Vice nang kausapin niya ang kanyang inang si Rosario Viceral na nasa audience pala.

“Hindi ko gustong maramdaman ‘yan ng nanay ko. I’m sorry. I am trying my best, pero minsan hindi ko talaga kaya. I’m sorry. I’m trying as much as I can to make you proud. Kaya kitang mabilhan ng bahay, ng magandang kotse, pero nahihiya ako na hindi kita mabigyan ng oras. I’m sorry,” say niya sa madir niya.

Later, inimbitahan ni Vice si Tatay Benjamin.

“Mamaya kakain kami ng nanay ko. Gusto n’yo ho bang sumama sa amin?” he asked Tatay Benjamin, even thanking him in the process.

“Salamat po kasi kinalabit n’yo po ako ngayong araw na ‘to. Kasi puwede tayong makahanap ng pamilya sa labas ng mga bahay natin. Puwede tayong makahanap ng nanay mula sa mga kapatid natin. Puwede tayong magkaron ng tatay mula sa ibang tao. Puwede kang magkaron ng anak sa akin. Hindi po ‘yung bubuntisin n’yo ko. Hindi po ‘yun, ah. Iyong oras na hindi maibigay sa ‘yo ng mga anak mo for now, ako muna ang magbibigay.”

Ipinost ni Vice ang photo na kasama si Tatay Benjamin sa kanyang Instagram photo which came with this message, ”This man is an angel in disguise. He touched and awakened not just me but so many people who were able to hear his story… I love him. I love every parent most especially my NANAY. God bless all the parents!”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …