MA at PA – Rommel Placente .
KUNG noong dalaga pa si Toni Gonzaga ay ang pamilya niya ang top-priority, ngayon ay hindi na.
Ayon sa singer/TV host/actress, si Direk Paul Soriano na raw ang magiging prioridad niya sa buhay.
Aba, dapat lang naman. Tapos na ‘yung mga panahong talagang nag-trabaho nang husto si Toni para mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya, na ang mommy niya pa ang humahawak ng lahat ng kanyang savings.
This time, dapat lang na bigyan niya ng maraming oras si Paul bilang kanyang mister. Ipakita niya na magagampanan niya ang tungkulin bilang maybahay ni Paul, ‘di ba?