Wednesday , December 25 2024

Problema nina Sec. Roxas at VP Binay

00 pulis joeyKAPWA may problema ngayon sa kanilang pagtakbong presidente sa 2016 sina DILG Secretary Mar Roxas at Vice President Jojo Binay.

Problema ni Roxas ang kanyang imahe kung paano idikit sa masa. Kasi nga mula siya sa angkan ng mayayaman. Iniisip ng mga maralita na wala siyang damdamin sa mahihirap, hindi alam ang nararamdaman at pangangailangan ng mga taong isang kahig-isang tuka.

Sa track records, maayos ang papel ni Roxas. Naging kongresista siya, naging DTI Secretary, naging Senador at ngayon ay DILG chief. Walang isyu ng anumang katiwalian sa  pinanggagalingan niyang institusyon at mga ahensiyang nabanggit.

Ang kanyang family background ay malinis. Ang kanyang lolo ay dating presidente ng bansa na si late Manuel Roxas, at ang kanyang ama ay dating senador na si Gerry Roxas na nagbibigay ng “Gerry Roxas” leadership award sa mga mag-aaral na may brilliant records sa pag-aaral sa high school.

Sa education, mataas ang pinag-aralan ni Mar. Nagtapos siya ng elementary at high school sa Ateneo de Manila at nag-graduate ng college sa Wharton School of Economics sa University of Pennsylvania.

Malawak din ang kanyang karanasan sa pagba-banko na natutunan niya sa New York bago pumasok sa politika sa bansa.

Sa madali’t salita, may magagawa si Mar Roxas kapag nahalal siyang presidente ng bansa.

Ang problema na lang niya ngayon, kung paanong ikabit ang kanyang pulso sa damdamin ng katulad nating mahihirap.

Si Binay naman ay alam nating nagmula talaga sa hirap. Sabi nga niya naging kampon este ampon din siya. Nag-working student rin daw siya at nang maging abogado ay naging aktibistang lawyer na lumaban noon kay Marcos (pero gusto niya ngayon maging running mate ang anak ni Marcos na si Senador Bongbong. Hehehe).

Malawak ang kanyang karanasan sa public service. Simula nang italaga siyang OIC Mayor ng Makati City noong 1986 pagkatapos mapatalsik si Marcos ay hindi na nila binitiwan ng kanyang pamilya ang Makati hanggang ngayon.

At ito ang naging problema niya ngayon. Dahil sa kasakiman sa kapangyarihan, kinagat siya ng kanyang dating kumpare, kaibigan, kaalyado at bagman na si Makati City ex-Vice Mayor Ernesto Mercado na halos alam lahat ng naging galaw ng mga Binay sa lungsod – kung paano nagkamal nang limpak-limpak na salapi sa mga kickback at overpriced na mga proyekto sa kanilang lungsod.

Ang pagbubunyag ni Mercado sa grabeng katiwalian ng mga Binay sa Makati ay pinatunayan pa ng Commission on Audit (COA), Anti-Money Laundering Council (AMLC), mga kontraktor at dati niyang opisyal sa Makati City.

Kaya ngayon si VP Binay at kanyang anak na si Makati City Mayor Jun Jun ay nahaharap sa Plunder case sa Ombudsman at ang kanyang misis na Dra. Elenita na ex-mayor din ng lungsod ay nahaharap sa Graft sa Sandiganbayan.

Kaya ang ratings ngayon ni VP Binay sa mga survey para sa pagka-presidente sa 2016 ay bumagsak na sa 22% sa Pulse Asia at 34% sa SWS mula sa dating 73% noong hindi pa nabubulgar ang kanilang katiwalian sa Makati City.

Kaya ang nag-e-enjoy ngayon sa mataas na ratings sa mga survey ang ampon ni late Da King na si Senadora Grace Poe.

Sabi nga ni Senador Koko Pimentel, masuwerte pa rin si Binay dahil mayroon pang 22% na naniniwalang hindi corrupt o magnanakaw si VP Binay. Hmmm…

Gising… mga kaigsuunan!

Pulis sa Munti super-bilis sa pagkakakuwartahan!

– Magandang araw po, Sir Joey Venancio. Dito po sa Muntinlupa City, ‘di lang talamak sa iligal na droga, talamak din po sa pangungurakot ang mga pulis-patola lalo na po sa Brgy. Tunasan. Yung mobil na 531 at 521… pag responde ang bagal, pero pag mga trucking, kawayan at uling lalo na pag may mga karga na heavy, ang bilis nilang humabol. Dapat ‘di “To Serve @ Protect”. Dapat ay “To Collect  @ Prorect the Illegal. – 09076966…

Oi… Muntinlupa PNP… ayusin nyo trabaho nyo dyan ha… baka ma-Lambat-Sibat kayo ni Roxas?

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *