Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Love team nina Coco Martin at Julia Montes bubuwagin muna

 

VONGGANG CHIKKA – Peter Ledesma . 

021915 coco martin  julia montes

AFTER ng very successful nilang series sa Wansapanataym Special na “Yamishita’s Treasures” ay pansamantalang bubuwagin muna ng ABS-CBN ang love team nina Coco Martin at Julia Montes na napanood noon sa ilang top-rater teleserye ng Dreamscape Entertainment.

Kaya sa bagong teleserye ni Coco na TV adaptation ng blockbuster movie noon ni late Fernando Poe Jr., na Probinsiyano ay sina Bela Padilla at Angeline Quinto ang makakapareha ng Hari ng Teleserye samantala si Julia ay pansamantalang mapupunta kay Edgar Allan Guzman na may proyekto na rin ang dalawa na malapit na nilang simulan. Well sana tanggapin rin ang team-up nina Julia at Edgar lalo’t pareho naman silang magaling na artista.

Pagdating naman kay Coco, kahit sino pa ang itambal sa mahusay na aktor ay tanggap ng kanyang fans at televiewers kaya’t siguradong papatok rin ang bagong serye na Probinsiyano kasama ang maybahay ni FPJ na si Susan Roces, Albert Martinez, Arjo Atayde at marami pang iba.

Suportahan natin ito gyud!

BATANG ANGHEL NA SI NATHANIEL AYAW TANTANAN NI LEO MARTINEZ

Tulad ng mga nauna nilang inspirational teleserye na ang kanilang adbokasiya ay mapalapit uli sa Diyos ang mga taong naliligaw ng landas. Dito sa “Nathaniel” na pinagbibidahan ng angelic face na si Marco Masa ay hindi rin nabigo ang Kapamilya network at Dreamscape dahil umaani ng papuri sa Pamilyang Pinoy at consistent sa mataas nilang ratings na noong Hunyo 5 ay nakapagtala pa ng 37.5% rating sa Kantar Media National Ratings. Inaasahang mas tatangkilikin pa ang serye lalo na ngayong tuloy-tuloy ang paglipad ng ating guardian angel na si Nathaniel, upang iligtas ang mga taong nahaharap sa kapahamakan kasama ang mga nalalagay sa kapahamakan ng kampon ng kadiliman na si Ramon Roman (Leo Martinez) na kanyang inuutusan gumawa ng masama sa kapwa. Wala talagang tigil si Roman sa paghahasik ng lagim sa nasabing teleserye at nakabantay ngayon sa pamilya Bartolome dahil kanyang nasundan ang anghel na lumapag sa bahay nila. Gusto niyang gamitin ngayon sina Nathaniel at Abi (Yesha Camile) pero wala siyang kamalay-malay na ang anghel na hinahanap ay nasa harapan na pala niya.

Samantala paano kaya matutulungan ni Nathaniel ang nanay-nanayang si Beth (Pokwang) ngayong mukhang nahulog na sa bitag ni AVL (Coney Reyes-Mumar). Si Hannah (Sharlene San Pedro) siya ba ang anak ni AVL na inakalang patay na sa matagal nang panahon pero dahil sa medalyong nakita ay umaasam ngayon na buhay ang kanyang anak? Ang muling paglalapit ng magulang ni Nathaniel na sina Rachel (Shaina Magdayao) at Paul (Gerald Anderson), senyales na kaya ito na maaari pang magkabalikan ang dating mag-asawa?

Pero mukhang hindi papayag ang girlfriend ni Paul na si Atty. Martha Amanthe (Isabelle Daza) na mangyari ito lalo’t ayaw niyang pakawalan sa buhay niya ang boyfriend na negosiyante.

Subaybayan ang mga susunod pang mga misyon ng ating cute na angel na si Nathaniel na napapanood weeknights sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng TV Patrol.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …