Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erik at Angeline, itutuloy ang romansa sa Big Dome

 

HARDTALK – Pilar Mateo . 

052815 Angeline Quinto Erik Santos

THIS will be their moment! Ang pagkakaunawaan ng mga puso ng dalawang maipagmamalaki at hahangaang singers ng bansa, kasunod ang pag-aabang ng kanilang mga tagahanga sa pagsasama nila sa isang entablado para ang love songs ng mga puso nila eh, maialay sa mga ito.

Kaya naman hindi kataka-taka na marami na ang nakaabang sa major concert nina Erik Santos at Angeline Quinto!

At mangyayari ito sa August 15 sa Araneta Coliseum. Magandang idea ang pagsamahin ang dalawa sa isang concert bilang sila ang tinaguriang King and Queen of Themesongs of this generation.

It’s high time na magkaroon ng malaking concert sina Erick at Angeline bilang sila ang boses sa likod ng mga hit movies at teleserye. Royalty na ngang matatawag sina Angeline at Erik dahil bukod sa hari at reyna ng themesongs, pareho rin silang champion sa singing search na kanilang sinalihan. Si Erik bilang kauna-unahang champion ng Star In A Million in 2003 while si Angeline naman ang kauna-unahang Star Power winner noong 2011.

It will be a different and unforgettable musical experience dahil sa konseptong gagawin sa show. Malaking concert event ito hindi lamang para kina Erik at Angeline at ng kanilang mga tagahanga, kundi pati na rin ang mga sumubaybay sa mga teleserye at pelikula na boses nila ang ginamit sa themesong.

Very personal kina Erik at Angeline ang concert na ito dahil ang kani-kanilang idolo ang magiging special guests. Ang Concert King na siMartin Nievera at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

Ang Erik Santos And Angeline Quinto At The Araneta ay ihahatid ngCornerstone Productions. No less than Johnny Manahan will direct the concert. Mabibili na ang tickets by calling Ticketnet at 911.5555.

See them sparkle and shine!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …