Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shamcey, seven weeks nang buntis

UNCUT – Alex Brosas . 

061915 shamcey supsup

MUKHANG hindi buntis si Shamcey Supsup nang mainterbyu namin kaya naman gulat na gulat kami when she announced na seven weeks na siyang pregnant.

We talked to the beauty queen and her husband Lloyd Peter Lee during the launching ng kanilang resto, ang Pedro ‘N Coi na matatagpuan sa third floor ng Fisher Mall sa Quezon Avenue, Quezon City.

As the pregnancy is bago pa naman, hindi naman nag-e-expect ang couple ng magiging baby nila, kung boy ba or girl.

“Wala naman, kahit ano, boy, girl,” was Shamcey’s reply when asked kung ano ang gusto niyang baby.

Also, wala pa silang napipisil na pangalan ng magiging baby nila.

“Busy kami rito (resto). Kapag alam na namin ang gender then we can start thinking about names,” say ng beauty queen.

Bilang first time businesswoman, na-realize ni Shamcey na, “Mahirap siya but then it’s rewarding. It’s our own business, you have your own time pero at the same time lahat ay sa iyo rin.”

“Kasi Peter po ang second name niya and Coi Coi is my nickname,” paliwanag naman niya kung bakit Pedro ‘N Coi ang name ng kanilang resto.

Napansin namin na Pinoy na Pinoy ang resto.

“We have Tambayan ni Pedro sa baba. Then we have the Sarao jeepney na ang background mo ay old Manila. Upstairs naman, ang tawag namin ay Bahay ni Coi kasi it’s a remake ng bahay ni Shamcey sa GenSan doon sa probinsiya. It’s a mixed bit of urban, ‘yung ano, very barangay at mayroon ka ring bit of the country side,” say naman ni Lloyd.

Classic Filipino dishes like sisig, kaldereta, sinigang ang ilan sa ino-offer ng resto pero may dishes silang bingyan nila ng kakaibang twist.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …