VONGGANG CHIKKA! – Peter Ledesma .
Nang pumutok ang balitang preggy si Judy Ann Santos-Agoncillo na kinompirma mismo ng actress sa kanyang Instagram account. Kumalat agad ang balita na papalitan na ng ibang actress si Juday sa teleserye nila ng Kapamilya chinito heartthrob na si Richard Yap a.k.a Ser Chief na “Someone to Watch Over Me.” At para pabulaanan ang kumakalat na news, ay inanunsiyo ng Dreamscape Entertainment Television na handa nitong hintayin ang pagbabalik-telebis-yon ni Judy Ann na kinikilalang Queen of Pinoy Soap Opera para sa inaabangang pagtatambal nila ni Richard. Bilang suporta sa muling pagbubuntis ng mahusay na aktres ay pansamantalang itinigil ang produksiyon ng “Someone to Watch Over Me” at ipagpapatuloy na lamang sa muling pagbabalik ni Juday sa telebisyon. Samantala, iniha-yag rin ng Dreamscape na isang panibagong teleserye naman ang nakatakdang gawin ni Richard sa ABS-CBN. At magkakaroon ng announcement presscon sa Hunyo ukol sa nasa-bing proyekto. Para sa karagdagang updates kaugnay ng “Someone to Watch Over Me” at iba pang programa ng Dr- eamscape, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape En-tertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/ DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH. Tawag dyan respeto gyud!
“My Kung Fu Chinito,” magsisimula na ngayong Linggo
RICHARD YAP AT ENCHONG DEE, IBABAHAGI SA VIEWERS ANG HALAGA NG KATAPANGAN SA “WANSAPANATAYM”
Magsasanib pwersa na ang Kapamilya chinito heartthrobs na sina Richard Yap at Enchong Dee para ituro sa TV viewers ang halaga ng katapangan at pagharap sa kanilang kinatatakutan sa pagsisimula ng “Wansapanataym” special nila na pinamagatang “My Kung Fu Chinito” ngayong Linggo (Hunyo 21).“Para sa mga kabataan at buong pamilya talaga itong ‘My Kung Fu Chinito,’ hindi lang dahil nakaka-entertain ‘yung kwento nito kundi dahil na rin sa maraming Filipino values na matututunan nila dito,” pahayag ni Richard na gaganap sa “Wansapanataym” special bilang ang superhero na si Kung Fu Chinito na nagtatago sa katauhan ng bilyonaryong businessman na si Chairman Tai.
“Matututunan nila dito ‘yung importansiya ng pagmamahal ng pamilya at ‘yung pagkakaroon ng lakas ng loob para harapin ‘yung mga bagay na inaakala nilang hindi nila kayang gawin tulad ng nangyari sa karakter kong si Diego nang nakilala niya si Kung Fu Chinito,” ani Enchong. Makakasama nina Richard at Enchong sa kanilang “Wansapanataym” special sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Mariami Tanangco Domingo, at direksyon ni Erick Salud.Huwag palampasin ang pakikipaglaban nina Richard at Enchong sa kasamaan sa “Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito” ngayong Linggo na sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbn- mobile.com para sa karagdagang impormasyon.