Sunday , December 22 2024

P268-B inilaan ng Army sa bala ng grenade launcher

NAGLAAN ng P268 milyong pondo ang pamunuan ng Philippine Army para sa pagbili ng mga bala ng grenade launcher.

Sa ngayon, naghahanap ang Philippine Army ng magsu-supply sa kanila nang mahigit 100,000 bala ng grenade launcher.

Ayon kay Army spokesperson Lt. Col. Noel Detoyato, mayroon nang nakalaan na budget na nagkakahalaga ng P268 million para sa pagbili ng 40 mm high explosive ammunitions.

Pahayag ni Detoyato, dapat lamang na ang bawat marksman o ang tinatawag nilang grenadier sa bawat squad ay may tatlong basic load ng bala ng M203 grenade launcher.

Sinabi ni Detoyato, ang bibilhin nilang 123,630 rounds ay katumbas ng isang taon na supply ng kanilang line units.

Sa kabilang dako, nakatakda ring bumili ang Philippine Army ng anim na special purpose vehicle (S-P-V) na may contract budget na P16.5 milyon.

Bukas ang Philippine Army para sa pre-bid conference para sa mga bala na nakatakdang gaganapin sa Hulyo 15 habang ang mga sasakyan ay sa Hulyo 21 ng kasalukuyang taon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *