Sunday , December 22 2024

Lava at lahar ibinabala sa palibot ng Bulusan

LEGAZPI CITY – Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Siesmology (Phivolcs) sa mga residente na nasa palibot ng bulkang Bulusan sa Sorsogon, sa posibleng banta ng lava o iba pang volcanic materials na pwedeng bumuhos ano mang oras.

Ang pahayag ay kasunod ng phreatic explosion na naitala nitong linggo.

Ang mga residente partikular sa Brgy. Puting Sapa ang mas pinag-iingat dahil ito mismo ay pasok sa 4km PDZ, na ang mga magsasaka sa lugar ay labas -pasok pa sa danger zone.

Ayon kay resident volcanologist Ed Laguerta, sa kanilang mahigpit na monitoring sa bulkan, wala pang senyales ng magma ngunit nananatili ang paalala ng kagawaran na mag-ingat ang lahat partikular na sa posibleng lahar.

Sa ngayon, wala pang significant na aktibidad na ipinakita ang Mt. Bulusan makaraan ang pagbuga ng abo na normal nang ugali nito at nananahimik muna bago ang muling pagsabog.

60 mag-aaral, guro nakalanghap ng nakalalasong kemikal (Sa Cam Norte)

SINUGOD sa ospital ang 60 estudyante at isang guro ng San Felipe Elementary School sa Basud, Camarines Norte makaraan makalanghap ng nakalalasong kemikal.

Inireklamo ng mga biktima ang pagkahilo, pagsusuka at pagsakit ng tiyan nang makaamoy nang tila gamot o fertilizer.

Sa inisyal na imbestigasyon, walang nakita ang mga pulis na ano mang lalagyan o lugar na posibleng pinagmulan ng masamang amoy.

Isasailalim sa blood chemical analysis ang ilang mga estudyante para matukoy kung anong kemikal ang nalanghap nila.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *