Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isang makabayang ugnayang panlabas ang kailangan (2)

USAPING BAYAN LogoAng totoo niyan, sa kabila nang mukhang pagiging moderno at lantarang pagyakap natin sa mga kaugaliang kanluranin lalo na sa idea ng nation-state ay nananatiling tribal o maka-tribu ang pananaw natin sa buhay. Ang pagkakaroon nang napakaraming mag-kakakumpetensyang tribal based Filipino associations sa ibayong dagat ay matibay na patotoo nang ating pagiging nationally fragmented. Dahil sa ating pagiging maka-tribu ay nagiging napaka-dali para sa mga dayuhan na tayo’y pag-away-awayin o manipulahin.

Tama man o mali ay pinalalala ng pamahalaan ang ating kahinaan sa pamamagitan ng pagkiling nito sa mga polisiya na:

  • harang sa tunay na industriyalisasyon,

  • lalong nagtutulak sa atin para maging depende sa mga speculative foreign investments,

  • ma-addict, ika nga, sa Overseas Filipino Workers remittances;

  • na hadlang sa paglaganap ng sayantipiko at makabagong edukasyon.

Patuloy din na sinusuportahan ng ating mga pinuno ang pyudalismo na siyang ugat ng pagkakaroon ng political dynasties at patronage politics o padrino system na pangunahing mga katangian ng ating politika sa ngayon.

Lalo pang pinasasama ang sitwasyon nang patuloy na pananatili ng ating client-relationship o ang neo-kolonyal na relasyon sa US. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hirap na hirap tayong pandayin ang isang pambansang kaakuhan at kung bakit kumikiling ang pamahalaan sa mga patakaran na humahadlang sa ating industriyalisasyon. Ang neo-kolonyalismo rin ang ugat kung bakit ang ating foreign relations policy ay kopya kundi man kahimig ng mga ipinalalabas ng American State Department sa Washington.

Sa ganitong kalalagayan ay hindi kataka-taka kung bakit walang galang sa atin ang maraming bansa at kung bakit mapang-insulto nila tayong tinatawag na “little brown Americans.”  Mantakin na lamang na sa kabila nang pagiging non-aligned ng ating bansa ay malinaw na hindi pambansang interes ang tinutugunan ng ating foreign relations policy. Pansinin na sa mga kritikal na yugto ng kasaysayan ng mundo ay palagiang naka-tugon ang ating foreign relations policy sa geopolitical interest ng Amerika gayong hindi sa lahat ng panahon ay pareho tayo ng pangangailangan o interes.

Hitik sa ebidensya ang ating kasaysayan kaugnay nang patuloy na pagkakaroon natin ng ugnayang kliyente sa US. Halimbawa, ito ang nagtulak sa atin para tanggapin ang mga saliwang probisyon ng 1951 RP-US Mutual Defense Treaty (MDT) na basehan ngayon ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

 (May kasunod sa Linggo…)

* * *

Binabati ko ang aking kapatid/kumpare na si Dr. Joselito De Guzman sa kanyang kaarawan. Mabuhay ka Sel…dalangin ko ang patuloy mong pagtatagumpay at kaligayahan sa buhay…mulia Maligayang Kaarawan…

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …