Wednesday , December 25 2024

Bakit binebeybi ng taga-Malakanyang ang MILF?

00 Abot Sipat ArielWALANG ipinagkaiba ang estilo ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ginagawa ngayon ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) na mas kilala ngayon bilang ISIS—puro terorismo. Nagsuko lamang ng 75 lumang armas at dinekomisyon bilang mga kawal ang 145 nakatatandang miyembro, may banta na ang MILF na hindi na sila papayag sa ikalawang yugto ng arms at forces decommissioning kung hindi papasa sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sabi nga ng mga tunay na nakaiintindi sa sitwasyon sa Mindanao: “E ano ngayon?” Kakatwa ang ikinikilos mismong ni Pangulong Aquino lalo’t umiikot ngayon ang tsismis na milyon-milyong dolyar na pumasok sa sikretong account sa Malaysia ng isang miyembro ng kanyang Gabinete. Iba pa ito sa sinasabing suhol sa mga mambabatas at sa kaban ng Liberal Party ng Chinese fugitive na si Wang Bo na natsitsismis namang kasabwat ng kilalang gambling lord ng Pilipinas na si Charlie “Atong” Ang sa online gambling sa Cagayan Special Economic Zone Authority (CEZA).

Sa masyado tuloy “pagbeybi” ni PNoy sa MILF, may mga makabayang grupo na gustong magtatag ng rebolusyonaryong kilusan tulad ng Tagalog Republic Freedom Fighters, Mindanao Lumad Guerillas for Independence, Solid North Republican Army at kung ano-ano pa.

Wala kasi sa hulog na parang nananakot ang mga taga-Malakanyang na magkakagulo kapag hindi ipinasa ng Kongreso ang BBL. Ano ‘yan, sapilitan? Maghunos-dili naman sana si Pnoy at ang kanyang mga alipores kung bakit ipinipilit sa ating bansa ang BBL na halatain namang “obra maestra” ng Malaysia para balewalain ng Filipinas ang ating paghahabol sa Sabah.

Mabuti pa si dating Department of Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III, maskuladong-maskulado ang paninindigan laban sa BBL. Sabi nga ni Alunan sa kanyang facebook account:  “Ang decommissioning ay dapat hindi tinitingi at dinidiktahan ng MILF. Anak ng papay naman kayo sa gobyerno.

“Ang balita ko naisahan na naman ang gobyerno sa turnover – 75 na nga lang ang isusuko pero kinulang pa; karamihan mga Garand; at  ang mga taong dinecommission ay matatanda na. Parang ‘yung haosiao na balik-baril program sa aming panahon na inihinto namin dahil sa recycling ng surrenderees at firearms na ginawang negosyo.

“Ang laki ng pera na ibibigay – nasa P950 million para sa sarsuwela samantala hanggang ngayon, hindi pa natatanggap ng ating mga beteranong sundalo at pulis ang kanilang delayed na pension na nagkakahalaga ng P18-B sa kasalukuyan.

“Ibasura ang CAB-BBL dahil hindi makabubuti ito sa kalagayan ng ating bayan. Dahil sa mishandling ng peace process sa umpisa pa lang; ang maling pagkapili ng Malisya (Malaysia) bilang peace broker; at malawakang pagkukulang ng government negotiating panel, hindi natin makakamtan ang mapayapang kinabukasan na ibinibenta ng pamahalaan sa sambayanang Pilipino. “Magkakagulo sa ating bayan maaprubahan man ang BBL o hindi. Kaya’t pinaghahandaan ng mga taga-Mindanao ang kanilang seguridad at ligtas kung saka-sakali sisiklab doon sa kanilang mga lugar. Dapat ganoon din dito sa Metro Manila dahil malaki ang tsansa na dadalhin ng mga jihadista ang kanilang terorismo sa ating mga lungsod.”

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *