Friday , November 15 2024

Pressure ni PNoy dinedma ng senators (Sa BBL issue)

DINEDMA lamang ng ilang senador ang mistulang pag-pressure ng Malacanang kaugnay ng pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).

Magugunitang kasabay ng decommissioning sa ilang armas ng MILF kamakalawa, tila nangongonsensya si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa mga mambabatas na ipasa na ang BBL na aniya’y mahalaga para sa kapayapaan at kasaganahan sa Mindanao.

Iginiit nina Sen. Sonny Angara at Sen. Tito Sotto ang independence ng Senado lalo na sa paghimay ng mga panukalang batas.

Binigyang diin ni Angara, hindi maaring dektahan ng sino man ang mga senador sa ano mang gawain nito dahil nasa taong bayan ang kanilang mandato.

“I foresee the Senate will remain independent in considering the BBL in plenary. It’s difficult to have individuals or groups dictate what they want on the senators, who have a nationwide mandate and are answerable to the nation and its citizenry,” ani Angara

Habang tila binalewala ni Sotto ang posibilidad na idaan sa balasahan sa Senado ang pagpasa ng BBL sa pagbalik ng sesyon sa Hulyo 27.

“Everyone is entitled to his own opinion. But I do not see how a reorganization can assure the swift passage of a controversial measure,” ayon kay Sotto.

Una na ring sinabi ni Senate President Franklin Drilon na mahalagang maipasa ang BBL para sa kapayapaan sa Mindanao.

Cynthia Martin

Pananaw ng Mindanao sa BBL alamin (Payo ng Palasyo sa kritiko)

PINAYUHAN ng Malacañang ang mga mambabatas na nagdududa sa kabutihan ng Bangsamoro basic Law (BBL) na bumisita sa Mindanao at makipagtalakayan sa mga taong apektado ng kasunduang pangkapayaan ng gobyenro at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang mga nasa Maynila ay hindi nakikita ang malaking pagbabago sa buhay ng mga taong nasa lugar na may tunggalian.

“It’s owing to the fact that we’re here in Manila. We don’t see the radical shift that happens in those people who are in those conflict areas.You may not need to reside there but you may want to see the hopes and see why these people are very hopeful,” aniya.

Aniya, isang radikal na transpormasyon sa buhay ng mga mandirigmang MILF ang ginawang pagsuko ng kanilang armas at pagbabalik-loob sa pamahalaan , lalo na’t halos tatlong dekada nilang nilalabanan ang gobyerno.

Umaasa aniya ang Palasyo na lulusot sa Kongreso ang BBL kahit pa maigsi na ang panahon ng paghahanda para sa plebisito at synchronized elections sa 2016.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *