Sunday , December 22 2024

Multi-billion contract na ballistic vest ng AFP babawiin (Sa foreign supplier)

POSIBLENG bawiin ng Department of National Defense (DND) ang kanilang multi-billion na kontrata sa isang foreign supplier na JV of Archidatex and Colorado Shipping, ang kompanyang napili ng DND para mag-supply ng 44,080 units ng ballistic vest o force protection equipment para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay kung hindi pa rin matutupad ng kompanya ang kanilang kasunduang mai-deliver ang unang batch ng mga ballistic vest na aabot sa 20,000 units, na dapat ay noon pang buwan ng Pebrero base sa kontrata.

Ayon kay DND Public Affairs Director Arsenio Andolong, binigyan ng DND ng 120 days na palugit ang kompanya para mai-deliver ang unang batch ngunit ang 120 days na ito ay katumbas ng 10 percent na ibabawas sa kabuuang presyo ng mahigit 40,000 ballestic vest na binili sa halagang P1.7 billion.

Sa Hunyo 29 ay magtatapos na ang 120 days na palugit at kung mabibigo pa rin ang nasabing foreign supplier, malamang ay tuluyan nang tapusin ng DND ang kontrata.

Aminado si Andolong na dahil sa pagkakaantala nito ay naaapektohan din ang modernization program ng AFP lalo na sa benepisyo nito sa mga sundalo na nakikipagsagupaan sa mga rebelde.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *