Tuesday , May 6 2025

Kotongan/blackmail sa Kentex tragedy

00 aksyon almarISANG buwan na rin ang nakalilipas nang mangyari ang trahedya sa isang pagawaan ng tsinelas sa Valenzuela City. Sa pagkakatupok ng Kentex, 72 katao ang namatay matapos masunog nang buhay at makulong sa pagawaan.

Pero hindi pa man nakakamit ng mga biktima ang katarungan, aba’y may mga grupo o indibidwal na’ng sinasamantala ang sitwasyon – para kumita habang ang iba naman ay media mileage ang habol. Lapit na kasi eleksyon e. Kailangang magpapogi..

Matatandaan, nagkaroon naman ng dialogo noon sa pagitan ng may-ari ng Kentex at pamilya ng mga biktima. Nagpatawag rin ng mga press conference para sa ikakalinaw ng lahat, gayundin ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang maresolba ang isyu subalit mababalewala ang mga hakbangin kung patuloy na mayroong indibidwal o grupo na nagdedemonyo sa kaisipan ng pamilya ng mga biktima.

Hindi lingid sa nakararami na may  mga personalidad na gustong samantalahin ang pagluluksa ng mga pamilya ng biktima para lamang makapangikil at maisulong ang kanilang pang sarilingi nteres.    

Napabalita na ilan sa mga kamag-anakan ng biktima ay nakatanggap na ng P169,900.00 bilang financial assistance sa Kentex para sa death benefit, funeral assistance at transportation allowance.

P169,000?! Ayos ha! Ang ibig kong sabihin, higit pa ang nasabing halaga sa itinakda ng batas na P30,000 hanggang P50,000. Bukod pa ito sa ibinigay na tig-P200, 000 sa 42 regular employee bilang bahagi ng commitment ng Kentex  na anumang assistance sa mga biktima.

Sinasabi pa na halos 27 pamilya na rin ang sumang-ayon sa financial assistance kapalit ng quit claim na isinagawa sa harapan ng arbiter sa National Labor Relations Commission sa Quezon City kung saan malinaw na  walang pwersahan na naganap kundi ginusto ito ng pamilya ng mga biktima.

Subalit hindi naging madali ang nilalatag na financial assistance ng kumpanya bunsod na rin sa paghihimasok ng third party sa isyu para impluwensyahan ang mga kaanak ng biktima at sulsulan  na humingi ng limpak-limpak na salapi na walang basehan upang makapangikil.

Halimbawa na rito, ang halos 90 na CJC employees o Kentex contractual workers ay nanghihingi umanong ng 4 na milyon piso dahil na rin sa pagkawala ng kanilang trabaho. Ito ay pawang mga empleyado ng  n CJC at kasisi-mula palang magtrabaho sa Kentex habang ang iba naman ay humihingi ng  P7 milyon maliban pa sa sangkatutak na request na karagdagang bayarin para raw makabili ng kani-kanilang kagamitan na maituturing isang kalabisan.

Ito ang siyang mga nagiging kalakaran ng iilan kahit wala pa ang resulta ng imbestigasyon pero kahit mayroong ganitong sitwasyon ay hindi pa  rin nagpapatinag ang kentex sa patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga biktima patunay lamang na kanilang pinanghahawakan ang binitiwan na pangako na hindi silaa aalis ngbansa at kanilang gagawin ang lahat para matulungan ang mga pamilya na mga nasawi sa trahedya.

Ngunit bakit ganito ng ginagawa ng ilang grupo na sige ang panunulsol upang i-blackmail at para kikilan ang Kentex?

Dahil dito, binabalaan natin ang mga pamil-ya ng biktima  na huwag magpadala sa mga grupong ito dahil baka sa bandang huli magsisi sila  dahil sa maling paniniwala na puwershan na isinisiksik sa kanila ng grupong may sariling interes.

Kaya naman nais natin na ipaabot sa mga grupo na pilit na sinasamantala ang sitwasyon na huwag kayong maging demonyo dahil hindi naman kayo ang namatayan at nagdusa sa trahedya at ang isang pang malinaw dito walang may kagustuhan na mangyari ang ganitong trahedya.

About hataw tabloid

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *