Sunday , December 22 2024

Kentex officials kinasuhan na

PORMAL nang sinampahan  ng reklamo sa Valenzuela City Prosecutors Office ang mga may-ari ng nasunog na factory ng Kentex Manufacturing Corporation.

Magugunitang 72 ang namatay sa sunog na nangyari noong nakaraang buwan at maraming iba pa ang nasugatan.

Umaabot sa 52 ang nagsilbing petitioners sa kaso.

Walo sa naghain ng demanda ay mga kaanak ng mga namatay at ang 44 ay mga survivor.

Kasama sa reklamo ang reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Wage Rationalization Act, Labor Code at Social Security System (SSS) law.

Siyam ang tinukoy na respondents sa kaso na kinabibilangan nina Kentex president Beato Ang; general manager Ong King Guan; director Jose Tan; director William Young; director Nancy Labares; director Elizabeth Yu; director Charles Ng; director Mary Grace Ching; at Kentex subcontractor CJC Manpower Services director at gene-ral manager Cynthia Dimayuga.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *