Friday , November 15 2024

 ‘Gapo mayor, 10 konsehal kinasuhan ng graft

OLONGAPO CITY – Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo si Olongapo City Mayor Rolen Paulino at 10 konsehal nito sa Tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng pinasok nitong P4-milyon kontrata para sa pamamahala ng night market noong nakaraang taon.

Nakapaloob ang kaso sa complaint-affidavit na isinumite ni Rosalio Abile ng Sitio Lubog, Santol Extension, New Caba-lan, Olongapo  City, sa tanggapan ni Ombudsman Conchita Morales noong nakaraang Marso 24, 2015.

Bukod kay Paulino, isinangkot din sina Olongapo City Councilors, Aquilino Cortez, Jr., Eduardo Guerrero, Benjamin Cajudo II, Elena Dabu, Noel Atienza, Alreuela Ortiz, Edna Elane at Emerito Linus Bacay.

Kasama rin sa inireklmao sina Association of Barangay Chairman president Randy Sionzon at Indigenous People (IP) representative Egmidio Gonzales, Jr.

Ayon kay Abile, nagkakutsabahan  ang  mga  inireklamo  upang maipasa ang isang resolusyon na nagbigay kay Paulino ng “blanket authority” para pa-boran ang isang pribadong indibidwal at hindi na dumaan sa bidding o subasta ang pamamahala sa night market.

Tahasang paglabag ang aksiyon sa Republic Act 3019, na kilala bilang Graft and Corrupt Practices Act, gayon din ng gross dishonesty, oppression, grave misconduct in Office at negligence of duty.

Sa naturang resolusyon na pinirmahan ng mga akusado, ibinigay ni Paulino ang kontrata kay Sonny Boy Bayantol ng BEZ Finds Exhibit para pamahalaan ang night market sa ha-lagang P4 milyon nang walang ginanap na bidding kahit may ilang grupo na nagpahayag ng interes na pamahalaan din ito.

Nadiskubre na walang  “judicial entity nor legal capacity”  si Bayantol o maging ang Bez Finds Exhibit para pumasok sa isang kontrata at batid ito ng mga konsehal.

Dahil dito, hiningi ni Abile na agad suspindihin sa tungkulin sina Paulino at ang mga konsehal ng lungsod upang hindi nila maimpluwensiyahan ang isasagawang imbestigasyon sa kasong isinampa.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *