Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fan, ‘di nagpatinag sa pagkapikon ni Kris

 

UNCUT – Alex Brosas .

043015 Bimby Kris aquino

DAPAT ay marunong tumanggap ng comment itong si Kris Aquino na obviously ay napikon sa isang fan, a certain @siapaulina.

“@withlovekrisaquino bakit hindi si James Yap ang pinasama mo? im sure mabilis pa sa alas kuatro! ‘And I’m sure #JamesYap shares my pride in how loving & lovable, kind hearted, well mannered, and smart our Bimb has become’ NO……. kasi kng ganyan sya tatay nya dapat ngayon ang kasama nya hindi ang honorary stepfather nya!,” say ni @siapaulin kay Kris. Ang komento niya ay based sa decision ni Kris na si Vice Ganda ang pasamahin kay Bimby sa isang award’s night.

Uminit agad ang ulo ni Kris at tinarayan ang fan, “@siapaulina naka medication ako so straight truth ito. I text James regarding a Father’s Day merienda for him w/ Bimb any day next week. He said Wednesday.

“You don’t know us personally, you don’t know how much I needed to make pakiusap kay Bimb na mag merienda sila. And since MAKULIT ka & gusto mo nang GULO, may nasabi si James na nasaktan ang feelings ni Bunso…

“I got home from taping & he was still crying from their phone conversation. Last PATOL ko na sa yo… March pa nangyari yun. Stop making it about my lack of effort, the fact I initiated for Bimb to see his dad even though my son still has hurt feelings means I have the ability to process emotions maturely.

“And if you will continue to make pakialam sa buhay pamilya namin, please enclose address & contact details, kasi siguro sa super sawsaw mo, mag contribute ka na rin sa allowance & milk money ng Anak namin para naman you put your money where your mouth is.”

Ang taray ni Kris, right. Hindi naman nagitla si @siapaulina at kaagad na sinupalpal si Kris.

”thank you @withlovekrisaquino sa pag patol mo sa akin… btw, kris hindi ako nangugulo sinasabi ko lang ang nakikita ko.. alalahanin mo umaga at gabi nasa tv ka at di ba 16 yrs old ka pa lng hangang ngayon benebenta mo ang buong buhay mo di ka pa nga nakuntento sinasali mo pa ang anak mo kaya wag mong sabihin na nakikisawsaw ako sa buhay nyo. fyi hindi ako kalaban at pinangampanya at binoto ko ang nanay mo at ang kapatid mo. Thank you!” say niya.

O, nakatikim ka tuloy ng pananaray, Kris. Ang akala mo siguro ay walang papalag sa iyo dahil si Kris Aquino ka. Ayan ang napala mo. Buti nga sa ‘yo!!!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …