UNCUT – Alex Brosas .
AYAW pa ring umamin nina Dennis Trillo and Jennylyn Mercado na nagkabalikan na sila.
Just recently ay nakunan sila ng photo na magka-holding hands habang naglalakad sa Greenhills.
Ang sabi ni Jennylyn sa isang recent interview niya ay marami naman daw silang magkasama at hindi silang dalawa lang ni Dennis. Eh, paano niya maipaliliwanag ang picture which caught them na silang dalawa lang at magka-holding hands?
Anyway, panay taray ang inabot nila sa isang popular website.
”Pinapaikot pa ng dalawang ito ang mga tao. Wala pa daw sya bf pero magkasama Sa Balesin at Sa isang room. Bibigyan ka na ng relo at bisekleta Kung Wala Lang. Magtigil ka nga jennylyn. Tsk!” comment ng isang guy.
“Nagpapaingay nanaman ng pangalan ang dalawang ito. paano hindi nanaman sila napag uusapan kaya gawa gawa ng eksena dahil may movie nanaman si lalake with solenn! Nako Dennis kilala ko pagkatao mo,” paniwala naman ng isa pa.