Monday , December 23 2024

Ban sa fraternity, sorority hazing aprub sa Kamara

APRUB na at isinulong na ng House of Representatives sa Senado ang isang panukalang batas na nagbabawal sa hazing activities ng fraternities, sororities, at iba pang organisasyon.

Ito ang House Bill 5760 o “An act prohibiting hazing and regulating other forms of initiation rites of fraternities, soro-rities, and other organizations, and providing penalties for violations thereof, repealing for the purpose Republic Act No. 8049”

Ang RA 8049 ang batas na nagre-regulate sa hazing at ano mang porma ng initiation rites sa fraternities, sororities at iba pang organizations.

Ayon sa authors ng bill na sina Reps. Christopher Co, Rodel Batocabe, Rufus Rodriguez, Maximo Rodriguez Jr., Joaquin Chipeco Jr., Evelio Leonardia, Sherwin Gatchalian, at Catherine Barcelona-Reyes M.D., layon nito na tanggalin ang hazing na naging kultura na ng fraternities, sororities at iba pang grupo.

Maaaring magmulta ng P1 million hanggang P3 million o anim buwan hanggang habambuhay na pagkakabilanggo (reclusion correccional to reclusion perpetua) ang parusa sa mga lalabag kapag naisabatas ang panukala.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *