Sunday , December 22 2024

300 laborer sa ‘photo bomber’ ni Jose Rizal  apektado ng TRO

DAAN-DAANG manggagawa ang apektado sa pansamantalang pagpapatigil ng Korte Suprema sa konstruksiyon ng Torre De Manila, ang tinaguriang “photo bomber” ng monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park sa Maynila.

Kasunod nang ibinabang temporary restraining order (TRO) laban sa proyekto ng DMCI Project Developers, Inc., nasa 300 manggagawa nito ang nagtipon sa labas ng contruction site upang ireklamo ang kabiguan ng kompanya na abisuhan sila ukol sa pasya ng korte. 

Pinoproblema rin ng mga trabahador ang polisiyang “no work, no pay” ng kompanya na pinangangambahan nilang iiral sa gitna ng suspensyon ng itinatayong gusali.

Habang inamin ng mga manggagawa na halos kompleto na ang 46-palapag ng itinatayong gusali.

Hinihiling nila na makapasok dito para makuha ang kanilang naiwang kagamitan at makahanap ng ibang trabaho habang suspendido pa ang proyekto.

Inilabas ang TRO laban sa condominium building bunsod ng apela ng grupong Knights of Rizal ukol sa sinasabing paglabag sa Cultural Properties Preservation and Protection Act at National Cultural Heritage Act. 

Sa kabilang dako, dumipensa ang DMCI na nakompleto nila ang mga kinakailangang permit para maitayo ang gusali. 

Sa Hunyo 30 itinakda ng Korte Suprema ang oral arguments ukol sa isyu. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *