Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 3 Vietnamese tiklo sa paghuli ng ‘Pusakal’

0618 FRONTARESTADO ang tatlong Vietnamese national makaraan maaktuhang nanghuhuli ng mga pusang-kalye (pusakal) sa tapat ng isang palengke sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon City Police, ang mga suspek na sina Vu Tan Trong, 33; Phan Van Duong, 22, at To Van Dat, 28, pansamantalang naninirahan sa 3rd floor ng ECJ Building sa Real corner Arzobispo streets, Intramuros, Maynila.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 10 p.m. kamakalawa nang maaresto ang mga suspek habang isinisilid  sa lalagyan ng bigas ang siyam na pusang hinuli nila sa harap ng Malabon Central Market sa F. Sevilla Boulevard, Brgy. Tañong ng nasabing lungsod. 

Base ito sa reklamo nina Bernardita Sapitula, 59, at Millete Marcelino, kapwa residente ng Saint Jude Townhouse, Brgy. Ibaba ng nabanggit na barangay.

“Hindi naging malinaw kung ano ang pakay nila kung bakit hinuhuli ang mga ligaw na pusa na gumagala sa palengke, bale siyam ang naipon nilang mga pusa bago sila naaresto,” ayon kay Abad.

Paglabag sa R.A. 8485 o Animal Welfare Act ang kasong isinampa laban sa tatlong Vietnamese na agad pinakawalan  ni Malabon City Prosecutors Office duty inquest prosecutor Deborah Marie Tan dahil sa pahayag ng mga complainant na hindi na sila interesadong ituloy ang kaso.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …