Monday , December 23 2024

Wang Bo dumalo sa House Probe

wang boDUMALO sa Kamara ang tinaguriang Chinese crime lord na si Wang Bo para sa imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability.

 Una rito, iniutos ni Justice Sec. Leila de Lima sa Bureau of Immigration (BI) na dalhin sa Kamara si Wang mula sa kanilang detention facility sa Bicutan.

 Kasabay nito, inihayag ni De Lima sa komite na pinagtibay na niya ang deportation order laban sa Chinese national.

Sa inilabas niyang kautusan, isinantabi na niya ang desisyon ng Immigration Board noong Mayo 21 na nagbaligtad ng orihinal na deportation order noong Mayo 5, 2015.

Ayon pa sa kalihim, iniutos na rin niya sa NBI ang pagbuo ng special team para siyasatin nang malaliman ang lahat ng aspeto ng kaso ni Wang, kasama na ang pagkakasangkot ng iba pang indibidwal sa isyu ng pangingikil o panunuhol gamit ang salapi mula rito.

Humarap din sa imbestigasyon ang tatlong reporter ng diyaryong naglabas ng exclusive Wang Bo stories.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *