Monday , December 23 2024

Torre de Manila pinatitigil ng SC

national photobomberIPINATIGIL ng Supreme Court (SC) ang operas-yon ng DMCI Homes para sa itinatayong 46-storey Torre de Manila condominium na kitang-kita sa likurang bahagi ng Rizal monument sa Luneta, Manila.

Sa press conference ni SC Public Information Office chief, Atty. Thoedore Te, sinabi niyang pinagbigyan ng court en banc ang hiling ng Order of the Knights of Rizal para mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) sa construction ng nasabing condominium.

Batay sa 26 pahina ng petition for injunction, hiniling ng Order of the Knights of Rizal na ipatigil ng korte ang ginagawang gusali dahil nakaaapekto ito sa tanawin ng makasaysayang mo-numento ni Rizal.

Nais din ng grupo na maglabas ang kataas-taasang hukuman ng “writ of pamana” o “writ of kasaysayan” bilang legal remedy upang mapanatili ang simbolo ng kasaysayan sa Luneta ukol sa pambansang ba-yani at mga turo nito.

Inaakusahan din nila ang DMCI na lumabag sa zoning ordinance ng lungsod ng Maynila dahil nararapat sanang hanggang limang palapag lamang ang mga gusali sa bahagi iyon ng Maynila.

Kaugnay nito, nagtakda ang korte ng oral argument sa Hunyo 30, 2015.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *