Friday , November 22 2024

Si Mrs. Binay na lang kaya ang maging running mate ni VP?

00 pulis joeyTILA hirap si Vice President Jojo Binay makahanap ng running mate sa pagtakbo niyang presidente sa 2016.

Siguro dahil ayaw madamay ng kanyang mapipiling ka-tandem na mabatikos. Kasi nga patong-patong ang kinakaharap na kaso ng katiwalian – graft at plunder – ni VP Binay.

Una na niyang inalok maging VP si Batangas Governor Vilma Santos, sumunod si Senadora Grace Poe, tapos si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at ex-President at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na pawang tumanggi.

Pinakahuling inaalok ni VP Binay na maging running mate ang nakakulong naman sa Plunder na si Sen. Jinggoy Estrada.

Ang sagot ni Jinggoy: “Why not?”

Ang problema lang ay kung papayagan ng Sandiganbayan na makakandidato si Jinggoy?

Si Jinggoy ay nakakulong ngayon sa PNP Costudial Center sa kasong Plunder kaugnay ng daan-daang milyong kickback sa P10-B pork barrel fund scam.

Ito na ang ikalawang beses na nakulong si Jinggoy sa Plunder. Una ay noong 2001-2007 na napawalang-sala siya dahil walang sapat na ebidensya na magdidiin sa kanya.

Pagkatapos nito ay muling nahalal na Senador si Jinggoy. At plano nga sanang tumakbong presidente sa 2016 kung hindi muling nakulong sa pork barrel fund scam.

Hindi pa naman ‘guilty’ si Jinggoy sa kasalukuyan niyang kasong Plunder, baka nga maaari pa siyang makatakbo bilang Vice ni VP Binay.

Kung hindi obra si Jinggoy… at wala nang makuha si VP Binay, baka maging running mate na lang ni Vice ang kanyang misis, si Dra. Elenita na dati rin Mayor ng Makati City. Puwede!

Kaya lang, may problema pa rin kay Dra. Elenita. Nahaharap din siya sa kasong Graft sa Sandiganbayan. Nag-post lang ng bail o piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Baka within few months or year ay lumabas na rin ang desisyon ng graft court.

Kung obra naman si Dra. Elenita maging running mate ng kanyang mister, e di wow! History na naman ito sa Philippine politics. Bongga ano po?

Oo, dito sa ating bansa, talagang pinagtatawanan na ang sistema ng ating politika. Sa local lamang ay: Gobernador ang ama, Bise Gobernador ang ina, Congressman ang anak, Mayor ang asawa ng Congressman na anak, Brgy. Chairman ang apo at SK Chairman ang apo sa tuhod. Ang resulta: Walang lusot  lahat ng pondo para sa mga proyekto kuno! Onli in the Philippines… Yahoooo!!!

DepEd Sec. Armin Luistro at PDEA Usec. Dir. Cacdac, please check this…

Good Day Sir! We are  just some of the concerned parents here in Barotac Viejo who is so alarmed about the issue involving one of the teachers in Nueva Invencion Elementary School. We can’t believe that (wife of drug inmate) is still teaching in this particular school after her husband, Raphy M. Duadores, was arrested last November of 2013 in Bacolod City for Illegal drug possesion and selling as well as Illegal possession of firearms. Her husband has been detained without bail in Bacolod City Headquarters and now … and … took over the illegal drug business in both Iloilo and Bacolod Cities. DEPED should take actions about this and verify that this is true and do appropriate actions regarding this issue. She’s not even worthy to be called an educator. We do have nieces and nephews studying in that particular school and we are really bothered about these children’s future having this kind of teacher educating them. Please help us take this matter to whoever can help us and do an immediate investigation about this serious issue. And what worst is that we’ve also heard that  she even has plans of becoming a principal, what future awaits our  teaching institution if this will continue? DepEd’s not even letting an unwed mom to continue practicing her profession since they consider that immoral, but what is their say about this? Hoping for your assistance, Mr. Venancio! Thank you so much! – Concerned parent

Paging DepEd Secretary Armin Luistro, pls check this info, Sir! Marami na nga ngayong kaso ng guro at prinsipal na sangkot sa pagtutulak at paggamit ng droga. Nakababahala po ito, Sec. Luistro. Tinatawagan din natin ang PDEA na manmanan ang ilang miyembro ng pamilya ng naturang drug inmate. Aksyon!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *