Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sepulturero nagbigti sa Kampo Santo

“NAKAUSAP na kita pwede na akong mawala.”

Ito ang huling sinabi ni Johnny Santos, 36, sepulturero, stay-in sa Manila South Cemetery, sa kanyang karelasyon na si Diane Arciga, 32, ng 2336 Alabastro St., San Andres Bukid, Maynila bago nagbigti kamakalawa ng umaga sa loob ng sementeryo na sakop ng Makati City.

Ayon sa imbestigas-yon ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 5:30 a.m. nang mapansin ni Romeo Daang, basurero, ang nakabigting biktima sa puno ng duhat.

Ayon kay Arciga, maaaring hindi natagalan ni Santos ang “on and off” nilang relasyon. Aniya, bagama’t mayroon na silang mga anak ay hindi sila nagsasama.

Dagdag ni Arciga, tutol ang kanyang mga magulang sa biktima kaya dumadalaw na lamang si Santos sa kanilang mga anak at nanatiling nakatira sa sementeryo. 

Bukod dito, nabatid na may iniindang sakit na leukemia ang biktima.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …