HOT, AW! – Ronnie Carrasco III .
LITERALLY and figuratively, summer love lang ang peg ng natuldukan ding pakikipagrelasyon ni Kylie Padilla kay Matt Henares, anak ng aktor na si Ronnie.
Just when Kylie thought she had finally found her Mr. Right, ang relasyong nagsimula sa car racing reached the finish line gayong kauusbong pa lang nito.
Between Kylie and Matt, si Kylie ang halatang mas proud of their relationship, habang ang kanyang chef-boyfriend chose to keep his non-showbiz stance kahit ang kanyang mga magulang pa niya, maging ang pinsang si Rhian Ramos, are well-connected in showbiz.
Tinangka ng Startalk na kunan ng pahayag si Ronnie, ama ni Matt, tungkol sa walang kiyemeng deklarasyon ni Kylie na break na sila ng anak nito ngunit tumanggi ang komedyante.
Understandably so, umamin na nga si Kylie sa breakup nila ni Matt na tikom ang bibig kahit noong magkarelasyon pa sila, ang ama pa ba naman nito ang kailangang umeksena?