Monday , December 23 2024

Makonsensiya kayo — PNoy (Sa kritiko vs BBL)

UMAPELA si Pangulong Benigno Aquino III sa mga humaharang sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na makonsensiya at huwag hayaang maghari ang karahasan na maaaring humantong sa kanilang tahanan.

“Hindi ka ba uusigin ng iyong konsensiya kung sa pagharang mo ng solusyon ay umabot na sa puntong nanganganib ang pamilya mo?” pahayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ceremonial turnover ng 75 armas ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pagbabalik-loob sa pamahalaan ng 145 MILF fighters sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Hinimok din niya ang publiko at mga mambabatas na bigyang halaga ang sinseridad ng MILF na ipinakita sa pagsuko ng kanilang mga armas at pagbalik-loob sa pamahalaan ng ilang mga miyembro nito kahapon.

“Ang mga kapatid nating Moro, naglagak ng armas, at ito ang pruweba ng kanilang katapatan… Tila sinasabi nila sa atin: Kapatid, ito ang aking pangtanggol. Hindi na namin ito kailangan. Ngayon pa ba tayo magkakaroon ng pagdududa? Bigla pa ba tayong panghihinaan ng paniniwala ngayong patapos na?” aniya pa.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa pumapasa sa Kongreso ang BBL na may layuning magtatag ng isang bagong Bangsamoro political entity kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Matatandaan, nagkaroon nang pag-aalinlangan sa sinseridad ng MILF sa peace process nang paslangin ng mga rebeldeng Moro ang 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao noong nakaraang Enero.

Tumanggi ang liderato ng MILF na isuko ang kanilang mga miyembro na nasangkot sa madugong operasyon.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *