HOT, AW! – Ronnie Carrasco III .
FROM PAULO to Paolo. Ito naman ang maugong na romantic transition sa buhay ng hot mamma na si LJ Reyes na nagkaanak kay Paulo Avelino, at ngayon ay balitang dyowa na ni Paolo Contis.
Eh, ano naman? LJ is still desirable kahit may anak na, while Paolo has been single mula nang mahiwalay kay Lian Paz.
‘Yun nga lang, LJ has a lot to deal with kung totoo ngang sila na ni Paolo. Kung noon ay pilit sinasalag ni LJ ang mga tsismis na binabata umano ng mga “network beki” si Paulo to advance his career interest, this hot mamma has to contend with the tsismis na baon umano sa utang si Paolo.