HOT, AW! – Ronnie Carrasco III .
WALANG nagawa si Benjie Paras when sighted at the airport (upon his son Kobe’s recent arrival from Hungary pagkatapos itong magkampeon sa FIBA three-on-three under 18) ang crew ng isang programa na hate niya.
Benjie took offense at the program’s post-Mother’s Day feature story kung ang ginawa lang naman ng show ay iulat ang mga Instagram post ng magkapatid na Andrei at Kobe praising their stepmother Lyxene, na hinaluan ng pag-e-emote ng kanyang ex-dyowang si Jackie Forster.
The cager-turned-actor went to the extent na tawaging “bobo” ang sumulat ng feature story na ‘yon, dahil ba hindi pabor sa kanya ang script at napulaan tuloy ang pagiging iresponsable niyang ama para disiplinahin at turuan ng magandang asal ang mga walang-respeto niyang mga anak sa kanilang ina?!
With Kobe’s scoring another victory sa larangang nagpasikat din kay Benjie, no doubt, kinabibiliban ang batang ito. Still, hindi “bobo”—FYI, Benjie—ang tipikal na pamilyang Pinoy na mataas pa rin ang pagpapahalaga sa paggalang na dapat iginagawad ng anak sa kanyang ina!
Sa pagkakataong ito, “foul” si Kobe!