Thursday , November 14 2024

Grace hahatakin pababa ni Chiz

EDITORIAL logoMALAMANG sa hindi, tuloy na ang tambalang Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.  Walang saysay na rin ang nakatakdang pag-uusap nina Pangulong Noynoy Aquino at Grace sa Hulyo dahil  lumalabas na nakapag-desisyon na si Grace na ang kanyang  pipiliing bise presidente ay si Chiz sa darating na May 9, 2016 presidential elections.

Gamit na gamit ni Chiz ang pamilyang Poe.  Pipitsuging Congressman lang noon at hindi pinapansin sa press office ng Kamara, pero dahil dumikit at naging spokesperson ni Da King Fernando Poe Jr.,  noong halalan ng 2004, nagsimulang makilala at sumikat si Chiz.

Hindi alam ni Grace kung ano ang tunay na pagkatao nitong si Chiz.  Kung tinawag na bastos at walang modo si Chiz ng kanyang bagong biyenan, tama lang sabihin ni JSY na maaaring siya ay isang  bagman, hatchetman  o political operator.

Hahatakin pababa si Grace ni Chiz sa kasagsagan ng kampanya sa pampanguluhang eleksiyon.  Madadamay si Grace sa mga bahong ilalabas laban kay Chiz lalo ang koneksiyon niya sa mga bilyonaryong negosyante sa Filipinas.

Kung meron mang campaign contribution makukuha si Chiz, sana makarating ito kay Grace.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *