Monday , December 23 2024

Detalye sa kaso ng IBC-13 at R-II anomalous deal

00 Kalampag percyAPAT na taon ang nakalipas mula nang sampahan ng inyong lingkod ng graft case sa Ombudsman ang mga dating opisyal ng IBC-13 at Reghis Romero ng R-II Builders dahil sa maanomalyang joint venture agreement (JVA) na pinasok nila.

Noong 2011, ang inyong lingkod at mangilan-ngilan lang ang naglathala ng ating inihaing reklamo sa Ombudsman hinggil sa maanomalyang pagbebenta ng dating pamunuan ng IBC-13 sa 3.64 ektar-yang lupain ng IBC-13 kahit lugi ang gobyerno at kinontra ng Commission on Audit (COA), Office of the Solicitor General (OSG), the Presidential Commission on Good Government (PCGG) at ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ang kasunduan.

Ayon sa COA, isinuko ng IBC 13 sa R-II Builders ang control sa government-owned prime land sa halagang P9,999 per sq m, samantala ang presyo ng mga lupa sa Capitol Hills ay nagkakahalaga ng P35,000 hanggang P65,000 per sq m.

Ang malungkot, mula nang utusan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng IBC-13, pati na si Communications Secretary Sonny Coloma na sagutin ang isyu sa JVA noong Hunyo 2013, wala na tayong balita na umusad pa ang ating reklamo.

Wala naman inilalabas na bagong opinyon ang OSG, PCGG, OGCC at COA kung ano na ang estado ng JVA pero si Coloma ay kombinsido na hindi na lugi ang gobyerno dahil pumayag na raw ang R-II Builders na dagdagan ng P450-M ang halaga ng kontrata.

Idinadahilan pa na ang mga kawani ng IBC-13 ang makikinabang dahil mababayaran na ang kanilang mga benepisyo.

Puwede na pala kay Coloma ang anomalya basta may kapiranggot na makukurot ang mga obrero.

Sen. Grace Poe, mag-ingat baka magamit sa awayan

ANG nakapagtataka sa mga naglalabasang ulat nitong mga nakalipas na linggo ay si Reghis Romero na lang ang idinidiin na para bang nabili niya ang lupain ng IBC-13 sa murang halaga na walang nagbenta sa kanya.

Sa tabas ng tahi ng mga press release, inilulusot sa pananagutan ang mga dating opisyal ng IBC-13, pati na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagbasbas sa maano-malyang JVA.

Huwag natin kalilimutan na nabuo at naipatupad ang JVA bunsod nang pakikipagsabwatan ni Romero kina  Jose Javier, dating IBC-13 Chief Executive Officer; Joselito Yabut, dating Chairman of the Board ng IBC-13; at Conrado Limcaoco Jr, dating Supervising Secretary ng IBC 13.

Kamakailan ay nag-away ang mag-amang Reghis at Michael Romero dahil sa kanilang negosyo, kaya may mga bayarang taga-media ang ginagamit ngayon ang isyu ng IBC-13 para banatan ang matandang Romero.

May binuo pang bogus non-government organization (NGO) na hihilingin pa raw sa Korte Suprema na ipawalang bisa ang JVA at himihirit pa kay Sen. Grace Poe na imbestigahan ito sa Senado.

Halata naman na walang sinseridad ang kanilang hakbang at gusto lang ay eskandalohin si Reghis para mairaos ang ngitngit ni Michael sa kanyang ama.

Bakit hindi nila kalampagin ang Ombudsman na isampa na sa Sandiganbayan ang kaso kung ang talagang nais nila’y katarungan sa taong bayan na nalugi sa maanomalyang JVA?

Sa ganitong paraan ay maaaring iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa lahat ng nagsabwatan sa JVA at pagdusahan nila ang panlilinlang sa bayan at pagsasamantala sa kapangyarihan.

Manileño sabik nang ibalik si Mayor Lim

“BUMAHA ng luha” nang muling makita ng mga Manileño si Mayor Alfredo Lim noong nalipas na Hunyo 12 sa kanilang pamayanan na naghatid ng wheelchair sa mga may kapansanan at may karamdaman.

Ilang dekada na itong ginagawa ni Lim, nasa puwesto man o wala kaya hindi makukuwestiyon ang kanyang adbokasiya na makatulong sa mga nangangailangan.

Sabay-sabay na humangos at nagsigawan ang mga tao na humihiling na bumalik na si Lim sa City Hall para matapos na ang kanilang paghihirap sa pamumuno ng tambalang mandarambong.

Talagang nasa huli ang pagsisisi pero lagi namang may puwang ang pagsisisi at pagwawasto sa pagkakamali.

Hindi papayagan ni Lim na manaig ang kasamaan sa kabutihan kaya muli siyang makikipagsagupaan sa kampon ng kadiliman na dumayo sa Maynila mula sa San Juan.

Sabi nga, “For evil to triumph is for good men to do nothing.”

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *