Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Desperada at maelyang sexy star tuloy ang marangyang lifestlye sa piling ng matandang benefactor na BID Official

 

VONGGANG CHIKKA! – Peter Ledesma . 

050615 blind item woman

Iisa lang ang project, ngayon ng single mom na sexy star at contravida pa ang role sa isang panghapong teleserye. Dahil desperada na sa kanyang career, kahit ano pa yata ang gawin ay hindi na magiging bida kailanman sa soap. Hayun ang hitad at tuloy ang pakikipagrelasyon at chorvahan sa kanyang rich benefactor na BID official na kung tutuusin ay parang lolo na niya. Pero dahil sa tawag ng salapi at mapera naman ang sugar daddy dahil sa madalas raw umanong tumanggap ng under the table raket (true ba ito) ay nate-take niyang tumabi rito anytime na gustuhin ng nagpe-feeling bagets na opisyales, na nasa hot water ngayon dahil sa eskandalong kinasasangkutan. Naku, alam n’yo ba na gustong sabunutan ng mga empleyado ni oldies na opisyales ang tinutukoy nating boldstar, kasi dahil sa kanya ay tila nakalilimutan na ng kanilang boss na ibigay ‘yung kanilang mga overtime pay na matagal nang overdue. Ito pa, madalas rin daw absent sa kanyang opisina dahil panay ang yakag sa kanya ng kinalolokohang starlet na dinadala siya sa Boracay at iba pang tourist destination at go rin sila minsan sa abroad para mag-shopping. Ipokritang tunay ang babaeng ito na anlakas ng loob na mag-deny sa sinulat namin noon sa kanya tungkol sa marangyang lifestyle ngayon courtesy of her government official lover. Konting ingat lang girl, at baka madamay ka sa pinagagawa ng iyong DOM, ikaw din baka magsisi ka. Kaapelyido pala ng ma-tinee idol na sumikat noong early 80s ang sexy star na bida sa ating BI today gyud!

MGA FOREVERMORE FANATICS SUPORTADO RIN ANG LIZQUEN SA KANILANG FIRST TEAM-UP MOVIE NA “JUST THE WAY YOU ARE,” PELIKULA PALABAS NA SA MAHIGIT 16O CINEMAS NATIONWIDE

Dahil sa big success ng kanilang primetime teleserye sa ABS-CBN na “Forevermore.” Kinikilala ngayon sina Enrique Gil at Liza Soberano mga pangunahing bida ng serye bilang breakthrough love team. At bagay sa LizQuen ang nasabing title lalo’t napatunayan nga ng dalawa na kaya nilang magdala ng isang programa na hindi lang sa Pinas nag-hit kundi sa iba’t-ibang bansa rin. At ngayong may pelikula ang dalawa ang “Just The Way You Are” under Star Cinema na showing na starting today, June 17 sa over 16O ci-nemas nationwide at may naka-sche-dule na ring mga international screening na inaabangan na ng mga kababayan natin. Siguradong majority ng followers ng Forevermore, ay susuportahan ang movie na ayon pa sa mga nakausap namin na nag-watch ng premiere night nito kagabi sa SM Megamall Cinema 7 ay super ganda ng film at di raw sila mangingiming na panoorin ito ng paulit-ulit. Totoo ‘yan dahil sa well-crafted at pampamilya ang Just The Way You Are ay nabigyan ito ng rated G ng MTRCB, meaning pwede ito sa lahat ng audience at dahil sa kalidad ng film ay graded B sila sa CEB o Cinema Evaluation Board. Sino ba naman kasi ang hindi maeenganyo kina Liza at Enrique eh ang sarap nilang panoorin sa TV screen. At may “something” na ang dalawa at inamin ito ni Enrique nang mag-guest sila ni Liza last Sunday sa 4th Anniversary celebration ng Sunday show ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice,” kung saan buong ningning ring ni-reveal ni Liza na niregaluhan siya ng dalawang bracelet at necklace ni Enrique. Perfect talaga sila at bagay maging magdyowa. Si Theodore Boborol pala ang dictor ng Just The Way You Are, na kinikilig rin sa kanyang mga bidang love team at ang Harana naman ang kumanta ng official themesong nito na “Smile In Your Heart.” Ang Just The Way You Are ay isang romantic comedy, na nakasentro sa istorya nina Drake(Enrique) at Sophia(Liza). Sa pelikula ay isang “bad boy” si Drake na magi-ging entangled kay Sophia, isang outcast sa eskuwelahan, sa pamamagitan ng isang pustahan sa isang kaibigan na kaya niyang pa-inlabin ng head-over-heels sa kanya si Sophia. Ang hindi nalalaman ng kanilang kaibigan, ay sa ilalim ng bad boy demeanor ni Drake at tough girl attitude ni Sophia ay dalawang nilalang na kapwa may problemang pampamilya na maaring humubog ng kanilang pagkatao at tunay na pagmamahal sa isa’t isa. Nangangahas ang pelikula na tanungin ang mga manonood kung handa ba silang i-risk ang kanilang mga puso sa laro ng pag-ibig o hindi? Sa pamamagitan ng love story nina Drake at Sophia, ipapaalala sa ating lahat na sa kabila ng katotohanan na ang laro ng pag-ibig ay nakatatakot at minsan ay mapanglinlang, maari din namang magbago ang ating buhay para sa ating ikabubuti kung handa tayong sumugal para sa tamang taong iibigin. Tampok din sa cast sina Yayo Aguila, Alex Diaz, Jon Lucas, Chienna Filomeno, Marco Gumabao, Myrtle Sarrosa, Kyra Custodio, Miguel Vergara, Yves Flores at Sue Ramirez at Erin Ocampo at may special participation sina Ton Ton Gutierrez at Sunshine Cruz na gaganap na parents ni Enrique. Let’s watch this beautiful film gyud!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …